Manguda matulanged vlog

Manguda matulanged vlog Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Manguda matulanged vlog, Digital creator, dumanlas Road buhangin davao city, Pagadian City.

GOOD EVENING EVERY ONE😊🙂
22/02/2025

GOOD EVENING EVERY ONE😊🙂

10/02/2025
02/01/2025

Congratulations Sheikh Abdullah C. Kumpa 😍

21/01/2023

“𝗧𝗔𝗠𝗣𝗔𝗧”

“𝗧𝗔𝗠𝗣𝗔𝗧” kung tawagin sa amin sa tribong maguindanaon,
gaano ba ito ka totoo?

Sa tribong maguindanaon pinaniniwalaan ito ng iba na ito daw di umano ay libingan ng datu, kagalang-galang na tao o mabuting tao, pinaniniwalaan din ito na nakakapagdulot di umano ng swerte at nakakapagdulot ng malas o nakakapagdala ng problema o disgrasya sa buhay ng isang tao.

Ito daw di umano ang sanhi ng mga disgrasyang nangyayare sa kalsada, kaya kapag napapadaan ang mga tao rito ay nagtatapon sila rito ng mga barya bilang paggalang at pagrespeto sa bagay na ito upang hindi maging malas ang kanilang buhay o hindi madisgrasya sa kanilang paglalakbay.

𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗢 𝗔𝗬 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗢𝗧𝗢𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡❌

𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗬𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗬𝗔𝗬𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗜𝗡𝗦𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗔𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔'𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗧𝗢 𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗘𝗟𝗔.

𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗧𝗢 𝗔𝗬 𝗦𝗛𝗜𝗥𝗞/𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗠𝗕𝗔𝗟 𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗬𝗔 𝗗𝗜𝗧𝗢 𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗞𝗦𝗔𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗔.

𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗜𝗡𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗞𝗔𝗛 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗪𝗟𝗜𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗜 𝗡𝗔𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗕𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗔𝗬 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗥𝗜 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗜𝗥𝗞 𝗔𝗞𝗕𝗔𝗥/𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗠𝗕𝗔𝗟.

قال سبحانه:

(وَالَّذِينَ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ أَوْلِيَاءَ مَا نَعْبُدُهُمْ إِلَّا لِيُقَرِّبُونَا إِلَى اللَّهِ زُلْفَى إِنَّ اللَّهَ يَحْكُمُ بَيْنَهُمْ فِي مَا هُمْ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ إِنَّ اللَّهَ لا يَهْدِي مَنْ هُوَ كَاذِبٌ كَفَّارٌ)

[At yaong mga nagturing [o kumuha] ng awliyah [mga tagapangalaga] bukod sa Kanya [ay nagsabing]: “Kami ay sumasamba lamang sa kanila upang kami ay kanilang dalhing malapit sa Allah sa katayuan.” Katotohanan, ang Allah ay maghahatol sa kanilang pagitan hinggil dito sa alinmang kanilang ipinagkakaiba. Katotohanan, hindi pinapatnubayan ng Allah ang isang sinungaling, at [napatunayang] di-naniniwala.]

Surah Az-zumar 39:3

𝗦𝗶𝗻𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗴𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗺𝗯𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗵 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮.

إنَّ ٱللَّهَ لَا يَغۡفِرُ أَن يُشۡرَكَ بِهِۦ وَيَغۡفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَآءُۚ وَمَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدِ ٱفۡتَرَىٰٓ إِثۡمًا عَظِيمًا

[48. Katiyakan, ang Allâh, hindi Niya pinatatawad at hindi Niya pinalalampas ang kasalanan ng sinumang sumamba ng iba bukod sa Kanya mula sa Kanyang mga nilikha; o hindi kaya ay nakagawa ng pagtanggi na kahit na anumang uri ng pagtanggi o di-paniniwala; subalit pinatatawad Niya ang anumang kasalanan maliban sa Shirk na ito, sa sinumang Kanyang nais mula sa Kanyang mga alipin; na kung kaya, ang sinumang nagsagawa ng pagtatambal o Shirk sa pagsamba sa Allâh ay walang pag-aalinlangan na nakagawa siya nang napakalaking pagkakasala.]

An-Nisaa' | Qur'an Chapter 4

Napakarami ng mga paniniwala ng mga matatanda na salungat sa turo ng Islam.

Nararapat sa ating mga muslim na maniwala sa qadar mabuti man ito o masama.
At nararapat sa ating mga muslim na magtiwala sa Allah at gawin ang mga dahilan nito.

وَمَن يَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِ فَهُوَ حَسۡبُهُۥٓۚ

[At sinuman ang ipinauubaya niya ang kanyang sarili sa Allâh ay sapat na ang Allâh sa kanya sa anuman na kanyang suliranin sa lahat ng larangan ng kanyang buhay.]

At-Talaaq | Qur'an Chapter 65

Nararapat na matakot tayo sa Allah hindi sa bagay (tampat) na ito.

وَإِن يَمۡسَسۡكَ ٱللَّهُ بِضُرّٖ فَلَا كَاشِفَ لَهُۥٓ إِلَّا هُوَۖ وَإِن يُرِدۡكَ بِخَيۡرٖ فَلَا رَآدَّ لِفَضۡلِهِۦۚ يُصِيبُ بِهِۦ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ

107. At kung ikaw ay datnan ng kapinsalaan ng Allah, walang makapapawi nito maliban sa Kanya, at kung Siya ay maglayon ng kabutihan para sa iyo, walang makapipigil ng Kanyang pagpapala. Kanyang pinapangyayaring ito ay maabot ng sinumang Kanyang nais sa Kanyang mga alipin. At Siya ang Mapagpatawad, ang Maawain.

[ Surah Yunus 10:107 ]

Ilan sa mga dua na dapat nating basahin kapag lalabas ng bahay at kapag nakababa sa isang lugar upang maging ligtas ang ating paglalakbay at walang makakapinsala sa kapahintulutan ng Allah tulad ng mga sumusunod:

1. 𝗕𝗜𝗦𝗠𝗜𝗟𝗟𝗔̄𝗛𝗜 𝗧𝗔𝗪𝗔𝗞𝗞𝗔𝗟𝗧𝗨 '𝗔𝗟𝗔𝗟𝗟𝗔̄𝗛𝗜 𝗪𝗔 𝗟𝗔̄ 𝗛𝗔𝗪𝗟𝗔 𝗪𝗔 𝗟𝗔̄ 𝗤𝗨𝗪𝗪𝗔𝗧𝗔 𝗜𝗟𝗟𝗔̄ 𝗕𝗜𝗟𝗟𝗔̄𝗛 (Sa Ngalan ng Allah, ipinaubaya ko ang pananalig sa Allah. Walang lakas at kapangyarihan maliban sa Allah.)

2. 𝗔𝗨𝗪𝗗𝗛𝗨 𝗕𝗜𝗞𝗔𝗟𝗜𝗠𝗔̄𝗧𝗜𝗟𝗟𝗟𝗔̄𝗛𝗜𝗧 𝗧𝗔̄𝗠𝗠𝗔̄𝗧𝗜 𝗠𝗜𝗡 𝗦𝗛𝗔𝗥𝗥𝗜 𝗠𝗔 𝗞𝗛𝗔𝗟𝗔𝗤

قالت خَوْلَةُ بِنْتُ حَكِيمٍ السُّلَمِيَّةَ رضي الله عنها: سَمِعْتُ رَسُولَ اللَّهِ ﷺ يَقُولُ: "مَنْ نَزَلَ مَنْزِلًا، ثُمَّ قَالَ: أَعُوذُ بِكَلِمَاتِ اللَّهِ التَّامَّاتِ مِنْ شَرِّ مَا خَلَقَ. لَمْ يَضُرَّهُ شَيْءٌ حَتَّى يَرْتَحِلَ مِنْ مَنْزِلِهِ ذَلِكَ".
أخرجه مسلم في"صحيحه" ح (٢٧٠٨).

Sinabi ni Khawlah bint Hakīm as-Sulamiyyah رضي الله عنها:
Narinig ko ang Rasulullah ﷺ na nagwika:

"Sinuman ang bababa sa isang lugar at pagkatapos ay nagsabi ng:
أَعُوذُ بِكَلِمَاتِ اللَّهِ التَّامَّاتِ مِنْ شَرِّ مَا خَلَقَ
''Ako ay nagpapakupkop sa mga ganap at kumpletong mga salita ng Allah mula sa kasamaan ng lahat ng nilikha'', ay hindi siya mapipinsala ng anomang bagay doon hanggang sa siya ay lumisan doon". Inulat ni Imām Muslim (2708).

Mga kapatid sa Islam MAGTIWALA TAYO SA ALLĀH
Yan ang pinakamatibay nating proteksyon.

LA HAWLA WA LĀQUWWATA ILLĀ BILLĀH☝️

21/01/2023

Assalamu alaykom davao city

16/11/2022

Allahu akbar3x 😭😭😭

16/11/2022
16/11/2022

Ano daw?

Sige na nga magtapat na kayo sa akin hehe. Joke lang po. Hehe

Ang ganitong post ay mali at hindi po totoo

Bakit nga ba?

Una : Hindi naman puwede sa babae na magtatapat siya sa kahit kanino na lang na mapupusuan niyang lalaki, may lalaking mananampalataya at mayroon din hindi, kaya kapag sinabi nating SUNNAH na magtapat sa kanyang napupusuang lalaki ay para mo sinabing kahit walang mananampalataya ay puwede siya magtapat sa kanya

Pangalawa : Oo, mayroon sa mga Ulama ang nagsabi na Sunnah kung ang lalaki na kanyang pagtatapatan ay Mananampalataya katulad ng ginawa ni Khadijah Raiyallahu Anha, ngunit kung hindi mananampalataya ay hindi Sunnah yun kundi kapahamakan

Pangatlo : Ang matuwid pa rin sa pananaw ng mga Ulama dito ay hindi Sunnah kundi pinahihintulutan lamang sa babae basta ang lalaki ang may pananampalataya at mabuti ang pag-uugali

Pang-apat : Ang pinakamainam pa rin ay iutos ni Sister sa kaibigan niya o Mahram niya na gusto niya maging asawa ang isang lalaki na may pananampalataya at mabuting pag-uugali, dahil si Khadijah Radiyallahu Anha ay hindi naman derekta niya ipinagtapat sa Propeta Sallallahu Alayhi Wasallam na gusto niya siya maging Asawa kundi inutusan niya ang kanyang kaibigan na si Nafeesah.
Ito ang mas mainam dahil kahit hindi magustuhan ni lalaki si Sister ay magaan gaan naman ang sakit sa kanyang puso.
Dahil kabilang pa rin sa katangian ng babaeng Muslimah ay ang pagiging mahiyain.

📝 Abdulrasid Angeles

Address

Dumanlas Road Buhangin Davao City
Pagadian City
6382

Telephone

+639154136642

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Manguda matulanged vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share