Dark Night code 47

Dark Night code 47 🤲DUA MOST POWERFUL 🤲

16/06/2026
16/06/2026
08/06/2026

𝗔𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗣𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗮𝗺𝗮𝗻

Sinabi ni Saad bin Abi Waqqâs -𝓻𝓪𝓭𝓲𝔂𝓪𝓵𝓵𝓪𝓱𝓾 𝓪𝓷𝓱𝓾- sa kanyang anak: ❝O aking anak, kapag hinahangad mo ang kayamanan, hilingin mo ito sa pamamagitan ng contentment (pagiging kontento), sapagkat ito ay kayaman na hindi maglalaho.❞ Al-Aqdu Al-Fareed: 3/169

قال سعد بن أبي وقاص رضي الله عنه لابنه : ❞ يا بني : إذا طلبت الغنى فاطلبه بالقناعة ، فإنها مال لا ينفد ❝ العقد الفريد : ١٦٩ / ٣

Sinabi ng Sugo ng Allâh ﷺ: ❝Kalugdan mo ang mga biyaya na ipinagkaloob ng Allah sa’yo nang sa gayo’y magiging pinakamayaman kang tao.❞ At-Tirmidhie: 2342

قال رسول الله ﷺ : ❞ وارض بما قسم الله لك تكن أغنى الناس ❝ رواه الترمذي : ٢٣٤٢ ، وحسنه الألباني في سنن الترمذي رقم : ١٨

Ang pagiging kontento ay ang pagtanggap nang buo sa kapalaran o tadhana na nangyayari sa araw-araw. Magsikap tayo sa pagtatrabaho at paghahanap-buhay. At kung anuman ang makuha natin ay ipagpasalamat natin ito sa Allâh, maging ito man ay marami o kakaunti lamang. Nang dahil dito ay para narin tayong isang mayaman o higit pa sa mayaman na masaya sa bawat biyaya na ipinagkakaloob sa atin.

Wallâhu A’lam

📚Mula sa post ni Shiekh Yusuf “𝒜𝒷𝓊 𝒵𝒽𝒶𝓀𝓎” Gonzales (hafidhahullâh)

____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

29/03/2026

🧑‍✈️ Kapag Police o Sundalo ang nag-payo: “Opo, Sir! Masusunod po. Hindi na po mauulit, Sir. Maraming salamat po!” 🫡

🧑‍⚕️ Kapag Doctor ang nag-payo:
“Yes po, Doc! Maraming salamat po sa paalala. Gagawin po namin para maging maganda ang aming kalusugan. Malaking tulong po ito para sa amin!” 😊

🧔 Kapag Ulama o Ustadh ang nag-payo:
“Mind your own business! Feeling perfect! 🙄 Wag niyo kaming pakialaman! Buhay namin ‘to! Nyenyenye, blah blah blah!” 😒

Ang tanong: Bakit ganito ang reaksyon ng karamihan? 🤔

🔸 Hindi kasi professional si Ustadh – Sa mata ng ilan, ang pagiging Ustadh o Ulamâa ay hindi isang “formal profession” tulad ng pagiging doktor o pulis, kaya hindi sila tinatrato nang may parehong respeto.

🔸 Mahirap lang kasi si Ustadh – Dahil hindi kasing-taas ng ibang propesyon ang sahod o estado ng maraming Ustadh, may mga taong hindi nagbibigay ng halaga sa kanilang sinasabi.

🔸 Hindi kasi magaling sa Tagalog o Ingles si Ustadh – May ilang Ustadh na mas bihasa sa Arabic o sa kanilang lokal na wika, kaya kapag hindi nila naiparating nang maayos ang kanilang mensahe, nagkakaroon ng misinterpretasyon o pagmamaliit sa kanila.

🔸 Wala talagang mabuting asal ang ibang tao – May mga tao talagang ayaw nang mapagsabihan, lalo na kung ang payo ay tungkol sa moralidad at pananampalataya. Mas madaling tanggapin ang payo ng doktor o pulis dahil ito ay may kinalaman sa pisikal na kalusugan o batas, ngunit kapag tungkol sa pananampalataya, pakiramdam ng iba ay pinapakialaman ang kanilang buhay.

📍 Ngunit mahalaga ring tandaan:
Hindi perpekto ang ating mga Ulamâa at Ustadh — sila rin ay tao na nagkakamali at may kahinaan. Ngunit hindi ito dahilan upang sila ay hamakin, maliitin, o pagsalitaan ng masama. Sa halip, dapat tayong matutong makinig nang may bukas na puso, lalo na kung ang kanilang payo ay para sa ating ikabubuti.

✅ Ang respeto at mabuting asal ay dapat na ibinibigay sa lahat, anuman ang kanilang propesyon o estado sa buhay.

Wallâhu A’lam

📚Sinulat ni Shiekh Yusuf “𝓐𝓫𝓾 𝓩𝓱𝓪𝓴𝔂” Gonzales (hafidhahullâh)

____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

08/02/2026

Address

Pagadian City
7032

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dark Night code 47 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share