08/11/2025
📍WALANG WARRANT OF ARREST LABAN KAY SEN. DELA ROSA
Mariing itinanggi ng International Criminal Court (ICC) na naglabas ito ng warrant of arrest laban kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, taliwas sa kumalat na ulat sa local media.
Sinabi ni Dr. Fadi El Abdallah, tagapagsalita ng ICC, na walang anumang warrant of arrest na inilabas laban kay Dela Rosa, at tanging mga opisyal na anunsyo ng ICC lamang ang dapat paniwalaan.
“No ICC news can be found except on the ICC’s official communications channels and press releases,” paliwanag ni El Abdallah.
Ang paglilinaw ay kasunod ng pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na nagsabing may inilabas umanong arrest warrant laban sa senador kaugnay ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.
Sa ngayon, hindi pa kinukumpirma ng ICC ang anumang bagong hakbang o legal na aksyon kaugnay ng imbestigasyon sa kampanya kontra-droga ng administrasyong Duterte.
📲Para sa iba pang balita at kaganapan sa Zamboanga Peninsula at buong Mindanao, i-follow at i-like ang Bright Channel!