01/12/2025
HINDI BA NAKAKAHIYA ITO PARA SA MGA PULITIKO?
Sa halip na umasa, nagbayanihan na lamang ang mga residente ng Brgy. Don Jorge Araneta, Bago City, Negros Occidental upang gumawa ng sarili nilang DIY flood control bago pa man tumama ang bagyong Verbena noong nakaraang linggo.
Sa post ni Ma. Cecilia Solis, makikita ang mga larawan ng mga residenteโmga lalaki, babae, at maging mga bataโna sama-samang nagtatrabaho, nagtatayo ng estruktura mula sa kawayan upang maharang ang rumaragasang tubig-baha.
Makikita sa kanilang pagkilos ang tunay na diwa ng bayanihan: mga kawayan na maingat na binilog, pinagtibay, at pinuno ng bato upang magsilbing pansamantalang panangga sa panganib.
๐ธ Ma. Cecilia Solis