
14/07/2025
Isipin mo na mayroon kang health insurance na tumutulong sa pagbabayad ng iyong mga doktor at pagpapaospital kapag ikaw ay nagkasakit. Ang critical illness insurance ay parang dagdag na proteksyon. Ito ay isang plano na magbabayad sa iyo ng isang malaking halaga ng pera kung ikaw ay ma-diagnose na may malubhang sakit na sakop ng iyong polisiya.
Halimbawa ng mga sakit na ito ay:
●Heart attack
●Stroke
●Cancer
●Kidney failure
●Major organ transplant.. at marami pang iba
Kung ikaw ay ma-diagnose na may isa sa mga ito (at sakop ito ng policy), ang Insurance Company ay magbibigay sa iyo ng lumpsum na pera. Maaari mong gamitin ang perang ito sa kahit anong kailangan mo – pagbabayad sa pagpapagamot, income replacement sa nawalang kita kung hindi ka makapagtrabaho, pagkuha ng tulong sa bahay, o kahit na para lang mapagaan ang iyong buhay sa mahirap na panahon.
Iba ito sa health insurance dahil ito ay nagbibigay sa iyo ng isang bagsakang bayad na pera, hindi lang tulong sa mga bayarin sa ospital. Ito ay nakalaan upang tumulong sa pinansyal na epekto ng isang malubhang sakit, hindi lang sa mga gastusing medikal.
Hindi natin alam kung magkakaroon ba tayo ng Critical illness o hindi. Ang buhay ay puno ng kawalang-katiyakan. Kaya mas mabuting maging handa.
Maaring kumunsulta sa amin na mga insurance advisors para sa dagdag impormasyon. 🙂