09/11/2025
Naging maayos at mabilis ang isinagawang pre-emptive evacuation ng Cabuyao LGU sa mga residenteng nakatira malapit sa mga ilog, sa tulong at pakikipagtulungan mismo ng mga mamamayan.
Ayon kay Colin B. Garcia, head ng Cabuyao City Disaster Risk Reduction and Management Office, umabot na sa humigit-kumulang 500 pamilya ang nasa mga evacuation center. Agad namang nagsagawa ng pamamahagi ng relief goods ang CSWD Cabuyao para sa mga evacuees.
Nakataas sa signal number 3 ang lalawigan ng Laguna dahil sa super thypoon UWAN.