30/03/2025
" NAKIPAGDATE SYA SAKIN PERO BIGLA NA LANG SYA…”
Meron ako (27F) nakilala OL lang, ngkachat lang kami. Taga Pampanga ako at yung kausap ko ay taga Bulacan. Napagusapan namin na sa BGC kami magmeet kasi may alam daw sya masarap na resto doon. Nakakotse sya ako nagcommute lang.
Gusto ko mkita ito si guy, kasi gwapo sya at para mksigurado ako na sya nga yung kausap ko. May kgwapuhan nga sya inperson. Nagdate kami sa isang sosyal na resto na labas pa lang alam mo ng mahal, isip ko pa mukha yyamanin si kuya.
Natapos na kami kumain, may knakapa sya sa bulsa nya. Sabi nya nwawala daw wallet nya, baka daw naiwan sa kotse pero nakapark daw kasi sya 10 mins walk pa, nkakahiyang paghintayin yung bayad. Kung pwede daw ako muna, sabi ko wala ba sya onl!neapp. Wala daw ang dami nya dndahilan para di magbayad.
Worth 8k pala pagkain namin, di ko inakala aabot sa ganoon. 11k lang meron ako pero sa nanay ko kasi yun panggamot nya. Pero parang wala ako choice ng oras na yun at ako muna nagbayad. Paglabas namin pinagstay nya ako sa coffeeshop hintayin ko daw sya kukunin lang yung kotse at wallet para mabayran na ako. Naghintay ako 2hrs walang bumalik. Nagiiiyak ako kasi ngpadala ako sa gwapo. Hindi ko na sya nkita o nkausap. Buti nkauwi pa ako samin.