Jay and Iza

Jay and Iza Content Creator

Dapat talaga na mabantayan ang pagkain ng ating mga anak.
10/02/2026

Dapat talaga na mabantayan ang pagkain ng ating mga anak.

Bilang magulang, tayo ang unang depensa ng kalusugan ng anak natin. Pabata nang pabata ang nagkakaroon ng kidney problems—simulan sa tamang pagkain. ✅

🥦 Mga pagkaing dapat kainin ng bata

1. Prutas at gulay (fresh at hindi processed)
• Saging, mansanas, papaya, pakwan
• Kalabasa, carrots, sayote, pechay, broccoli
👉 Mayaman sa vitamins at antioxidants na mabuti sa kidney

2. Sapat na tubig
• Pinakamahalaga sa lahat
👉 Tinutulungan ang kidney na linisin ang katawan at iwas UTI

3. Isda (lalo na maliliit at sariwa)
• Bangus, galunggong, tilapia
👉 May good protein na hindi mabigat sa kidney

4. Itlog (tamang dami)
• 1 egg per day ay sapat para sa bata
👉 Protein para sa paglaki, huwag sosobra

5. Kanin, kamote, oatmeal
• Mas mainam kaysa instant noodles at processed carbs
👉 Mas natural at mas mababa sa sodium

6. Gatas (ayon sa edad ng bata)
• Breastmilk (para sa babies)
• Fresh milk o pediatric milk (huwag sobra-sobra)



🚫 Mga pagkaing dapat bawasan o iwasan
• Instant noodles, chips, fries
• Processed foods (hotdog, longganisa, nuggets)
• Sobrang alat, matatamis, at softdrinks
• Fast food (lalo na madalas)

👉 Mataas sa sodium at preservatives na nakakapagod sa kidney



❤️ Paalala sa mga magulang

Ang kidney disease ay hindi bigla—madalas ito’y unti-unting nabubuo dahil sa maling pagkain at lifestyle.
Mas maaga tayong mag-ingat, mas maayos ang future ng mga bata.


08/02/2026

Bakit pabata nang pabata ang mga tinatamaan ng sakit na CHRONIC KIDNEY DISEASE O CKD? Isa na dito si Dodie, sa edad na 20 sya ay nadiagnosed ng STAGE 5 CHRONIC KIDNEY DISEASE.

“Namaga po ‘yung mukha ko nang sobra.

Tapos palaging masakit ‘yung likod.

Malapit sa balakang.

Mismong sa parte po nung kidney po.

Masakit ‘yung pag-ihi. Saka mahina po.

Pina-checkup po nila ako.

Tapos, sabi po nila doon sa amin, acute na raw po ‘yung kidney ko

Agad-agad nila akong dinala dito sa Tuguegarao para i-confine.

Kailangan po ng dialysis

Sobrang manas na po ako noon.

Kung hindi daw po ako mada-dialysis, baka hindi na daw po ako mabubuhay.

Nalaman ko na may sakit pala akong kidney, Chronic Kidney Disease Stage 5.

Du’n ko lang nalaman na sobrang hirap pala po ng kalagayan ko.

Gusto ko sanang maging pulis kaso wala na po, hindi na po siguro matutupad dahil nga po dito sa sakit ko po.

Mabilis na po akong mapagod kahit konting lakad lang po.

Ang ginagawa ko na lang raw-araw, nagse-cellphone.

‘Yung pinagkaabalahan ko na ngayon, ‘yung pagti-TikTok po, pagfe-Facebook, pagla-live.

Kapag nagla-live po ako sa TikTok, madaming nagtatanong kung ano po ang nangyari sa akin.

Lagi ko naman sinasabi na dahil sa araw-araw na dialysis kaya ako pumapayat.

Ba't daw ako nagkasakit ng kidney?

Kung anong rason ba't nasira ang kidney ko.

Palagi ko naman pong sinasabi na huwag kumain ng maalat para hindi magaya sa akin.

At saka palaging uminom ng tubig.”

-Dodie, 20-anyos

Napanood ko lang yung video nito. Ang sakit isipin na may magulang na kayang gawin ito. Hindi ako against kung magbuntis...
29/01/2026

Napanood ko lang yung video nito.
Ang sakit isipin na may magulang na kayang gawin ito. Hindi ako against kung magbuntis ka ng maaga, decision nyu yan, ginusto nyu yan. Pero sana, matutunan nyu din ng maaga kung paano maging responsableng magulang sa anak ninyo. Hindi yung may anak ka na, nag aastang bata ka parin na hindi mo inisip yung pwedeng mangyari sa pag iwan mo sa anak mo sa daan na dinadaanan ng napakaraming sasakyan.
Ginusto mong mabuntis at mag anak ng maaga, dapat aralin mo din kung paano maging mabuting Ina sa anak mo. Hindi mo naman kailangan maging perfect kasi walang ganun. Ikaw dapat ang unang proprotekta sa anak mo, ikaw dapat unang andyan para sa kanya kung wala yung tatay nya. Ikaw dapat yung hindi sya susukuan kahit na anong hirap ng buhay. Kasi ikaw, ikaw ang NANAY nya... Ang sakit sa dibdib makakita ng mga ganitong sitwasyon. Kaya ikaw, kung hindi ka pa handa sa responsiblidad at maging responsableng magulang, hwag mo nalang muna balaking mag anak kasi sa huli walang ibang kawawa kundi ang bata.. 💔

29/01/2026

When life gets hard, pause. Breathe. You don’t have to have it all figured out today.

29/01/2026

January parin? 😂😅

29/01/2026

28/01/2026

Akala ko ubo at sipon lang dahil sa lamig ng panahon yung sa baby ko 🥺wala naman lagnat pero 3 days na minsanan lang umubo at sipon at may oras na konting hirap sa paghinga ang napansin ko, inagapan ko naman ng mga mga gamot pero pagcheck ni doc may pneumonia na sya🥺

🚨 PNEUMONIA AWARENESS 🚨
Ang pneumonia ay isang seryosong sakit sa baga na maaaring makaapekto sa bata, matanda, at lalo na sa mga may mahinang resistensya. Hindi ito simpleng ubo o sipon lang.

⚠️ Mga karaniwang sintomas:
• Lagnat
• Ubo (may plema)
• Hirap sa paghinga
• Pananakit ng dibdib
• Panghihina ng katawan
• Pagbabawas

🛡️ Paano makaiwas:
✔️ Panatilihing malinis ang paligid
✔️ Maghugas ng kamay palagi
✔️ Iwasan ang usok at polusyon
✔️ Kumpletuhin ang bakuna
✔️ Magpatingin agad sa doktor kapag may sintomas
❗ Huwag balewalain ang mga senyales.
Ang maagang pag-iingat at pagpapatingin ay maaaring makaligtas ng buhay.
📌 Maging mulat. Maging responsable. Iwas pneumonia.






Isipin palagi na mas mahalaga ang kalusugan ng ating mga anak...🥺
26/01/2026

Isipin palagi na mas mahalaga ang kalusugan ng ating mga anak...🥺

Malakas kaba manigarilyo?‼️‼️‼️

"Para sa kaalaman ng ibang momshies, para hindi mangyari sa inyong baby ang nangyari sa baby nato MODERATE PNEUMONIA
Nabasa ko lang din to at gusto ko din malaman nyo para makapag ingat tayo

Doc: Mommy, ang baby mo, paulit-ulit lang nagpapacheck-up dahil sa ubo at sipon, ngayon pneumonia na talaga siya.

Ako: Palagi naman doc, ako naman sana ang nag-alaga at nag-ingat sa mga anak ko nang maayos doc. 😔

Doc: May naninigarilyo ba kasama ninyo sa inyong bahay? O kaya naman, nalantad siya sa usok ng sigarilyo kamakailan?

Ako: Opo, meron po doc, pero sinasabi ko naman sa kanila na doon lang manigarilyo sa labas, sa bahagi na ng kalsada dahil malayo na po iyon sa bahay namin.

Doc: Kahit malayo pa sila manigarilyo, mommy, ang ni****ne sa sigarilyo ay hindi na mawawala sa kanilang katawan maliban na lang kung maligo sila at magsipilyo. Kahit dumaan pa sa harap natin ang naninigarilyo, amoy pa rin natin ang usok ng sigarilyo, di ba?

Ako: Ganoon din po talaga doc, masyado akong naging kampante. 😔

Doc: May ubo rin ba sa inyong bahay? Nga berde ang kulay ng kanyang plema?

Ako: Opo, mayroon din po doc. 😔

Doc: Isa pa 'yan mommy, basta't may ubo ang tao tapos berde ang plema, ibig sabihin may impeksyon ang ubo niya. Makakahawa rin 'yan sa sanggol, lalo na kung ipahahawak mo sa kanya. Ang mga sanggol kasi mahina pa ang immune system. Kung palaging umuubo ang taong walang facemask, ang virus niyan nasa paligid lang ng bahay niyo.

Ako: Ganoon po ba, doc? Ano talaga ang sanhi ng Pneumonia, doc? Akala ko kasama ang pagkatuyo ng likod, iyon din pala ang dahilan.

Doc: Dalawa lang mommy,
1 dahil sa usok ng sigarilyo o anumang usok basta usok.
2. nahawaan ng taong may impeksyon sa ubo.

Ako: Talagang magsusumikap ako, Doc, hanggang sa makakaya ko para mailayo ko ang anak ko

Doc: Dapat lang talaga, kasi ang baby mo ang magdurusa. Mahal magkasakit ngayon.

Nabasa ko lang po to
Ito ay awareness lang po sa lahat ng mommy at sa mga naninigarilyo

Sa mga naninigarilyo, kung may baby, lumayo na lang kayo hindi dapat hawakan kung alam mong galing ka sa paninigarilyo. Sa mga may ubo na may kasamang baby sa bahay, magpagamot po , wag na po palalain pa para hnd makahawa ng sakit kumain ng masustansya pagkain



-ctto

26/01/2026

Unwind, relax, and create memories by the sea 🌴🌊 Sunset Villas Zambales by Alperi ゚viralシfypシ゚

25/01/2026

Family time is the best time 🥰❤️ ゚viralシfypシ゚

Address

Palauig
2210

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jay and Iza posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share