The Pen Movers

The Pen Movers Official Publication of Nueva Ecija University of Science and Technology-Atate Campus

To share the output of students and inspire everyone to do post their own piece, and continuously learn from one another.📜✍🏻

[Local Student Publication of NEUST Atate Campus]

𝐍𝐄𝐔𝐒𝐓 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐞𝐬 𝐀𝐒𝐄𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐧𝐞𝐫𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐱𝐩𝐞𝐫𝐭𝐬The Nueva Ecija University of Science and Technology ...
23/08/2025

𝐍𝐄𝐔𝐒𝐓 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐞𝐬 𝐀𝐒𝐄𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐧𝐞𝐫𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐱𝐩𝐞𝐫𝐭𝐬

The Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) sets a celebration and collaboration with Suan Sunandha Rajabhat University of Thailand and Universiti Malaya of Malaysia. The said Event held on August 23, 2025, at NEUST Sumacab Campus Mini, Convention Center. With the theme "𝑩𝒖𝒊𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏 𝑰𝒏𝒄𝒍𝒖𝒔𝒊𝒗𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝑺𝒖𝒔𝒕𝒂𝒊𝒏𝒂𝒃𝒍𝒆 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒖𝒏𝒊𝒕𝒚".

Distinguished international speakers graced the occasion, including Dr. Ali Sorayyaei Azar from the University of Malaya, Malaysia, who discussed the topic entitled" From Concept to Publication": The Role of Al in Applied Linguistics Research and Dr. Danty James from Suan Sunandha Rajabhat University, Thailand, who presented the "Transformational Leadership on ASEAN Higher Education: Navigating Inclusivity, Sustainability and Global Collaborations."

As part of the celebration, NEUST showcased ASEAN culture and diversity through an inter-campus cultural exhibit and parade held on August 22, 2025, at the NEUST Closed Gymnasium. Various campuses, departments and colleges are assigned to their ASEAN Countries to highlight and showcase different cultural attires. The Atate Campus highlighted the Philippines, with delegates donning traditional barong and saya.
Including the other colleges and satellite campuses of NEUST—such as Talavera, San Antonio, Sto. Domingo, and Carranglan which also represented ASEAN member countries, namely Brunei Darussalam, Indonesia, Thailand, and Vietnam, respectively. Dr. Ali Sorayyaei Azar and Dr. Danty James from Suan Sunandha gives a short message highlighting the ASEAN 2025 Theme during the Parade.

From Atate Campus, proudly representing the Philippines as delegates in the ASEAN 2025 international celebration are 𝐌𝐬. 𝐃𝐢𝐚𝐧𝐞 𝐂𝐚𝐫𝐛𝐨𝐧𝐞𝐥 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐁𝐒𝐁𝐀 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐫. 𝐉𝐨-𝐫𝐨𝐧 𝐂𝐚𝐥𝐥𝐨𝐬𝐚 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐁𝐒𝐈𝐓. Their participation plays a vital role in promoting international collaboration, inclusivity and showcasing the beauty of the country Philippines.

The ASEAN 2025 celebration reaffirmed NEUST’s dedication to fostering world-class education, innovation, and ethical leadership. By engaging with international partners, the University continues to strengthen its role in building a more inclusive and sustainable ASEAN community

✒️Ms. Aubrey Garcia
📷Ms. April Rose Rivera

𝗠𝗮𝗸𝘂𝗹𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗚𝘂𝗵𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟱BALITA | Matagumpay na isinagawa ng Nueva Ecija Unive...
22/08/2025

𝗠𝗮𝗸𝘂𝗹𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗚𝘂𝗵𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟱

BALITA | Matagumpay na isinagawa ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) Atate Kampus ang timpalak sa pagpipinta ngayong Agosto 22, 2025, bilang bahagi ng makulay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”

Ang naturang paligsahan ay nilahukan ng mga piling mag-aaral mula sa una at ikalawang taon ng kolehiyo kabilang sina 𝐀𝐢𝐫𝐢𝐬𝐡𝐚 𝐁𝐞𝐥𝐚𝐧𝐝𝐫𝐞𝐬, 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐚 𝐒𝐚𝐥𝐥𝐚𝐧, 𝐇𝐚𝐧𝐧𝐚𝐡 𝐀𝐧𝐬𝐞𝐥𝐦𝐨, 𝐀𝐫𝐜𝐞𝐥 𝐃𝐢𝐳𝐨𝐧, 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐢𝐞 𝐆𝐚𝐫𝐜𝐢𝐚, 𝐂𝐡𝐢𝐧𝐚 𝐏𝐞𝐚𝐫𝐥 𝐑𝐚𝐠𝐮𝐧𝐭𝐨𝐧, 𝐄𝐥𝐨𝐢𝐬𝐚 𝐌𝐢𝐦𝐢𝐬, 𝐌𝐚𝐫𝐤 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚, 𝐍𝐢ñ𝐚 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐜𝐮𝐥𝐨𝐩, at 𝐑𝐨𝐠𝐞𝐫 𝐀𝐯𝐞𝐥𝐥𝐚𝐧𝐨.

Layunin ng aktibidad na higit pang palalimin ang pagpapahalaga sa wikang Filipino at sa kulturang Pilipino sa pamamagitan ng sining ng pagpipinta.

Bukod sa pagbibigay-daan upang maipamalas ng mga kalahok ang kanilang husay at talento, nagsilbi rin itong makabuluhang pagkakataon upang gunitain at itanghal ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

Samantala, ang mga nagwagi sa patimpalak ay opisyal na pararangalan sa Agosto 28, 2025, na siyang tampok na bahagi ng pormal na pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa kampus.

Isinulat ni: Aizlyn Grace De Jesus
Inilapat nina: Jerome Villasfer at Yuri
Litrato mula kay: Kyle De Guzman

𝐍𝐢𝐧𝐨𝐲 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐧𝐨 𝐃𝐚𝐲𝐈𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨𝐧 𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐦𝐢𝐩𝐚𝐬, 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐮𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨.Tuwing ...
21/08/2025

𝐍𝐢𝐧𝐨𝐲 𝐀𝐪𝐮𝐢𝐧𝐨 𝐃𝐚𝐲

𝐈𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨𝐧 𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐦𝐢𝐩𝐚𝐬, 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐮𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨.

Tuwing sumasapit ang 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟏, inaalala natin ang pagpanaw ni Benigno 'Ninoy' Aquino Jr.—isang lider na buong tapang at paninindigan na lumaban para sa demokrasya. Ang taong piniling bumalik sa kanyang bayan, batid man ang panganib na naghihintay sa kanyang buhay. Nawa’y ang kanyang kagitingan ay patuloy na mamayani sa bayang kanyang minahal at buong pusong ipinaglaban.

Isinulat ni: Aizlyn Grace
disenyo ni: Ruel Maralit

𝐌𝐚𝐥𝐮𝐠𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐀𝐢𝐳𝐥𝐲𝐧 𝐆𝐫𝐚𝐜𝐞 𝐃𝐞 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬!Siya ay kilala bilang masipag, may dedikasyon, at mahal...
14/08/2025

𝐌𝐚𝐥𝐮𝐠𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐀𝐢𝐳𝐥𝐲𝐧 𝐆𝐫𝐚𝐜𝐞 𝐃𝐞 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬!
Siya ay kilala bilang masipag, may dedikasyon, at mahalagang bahagi ng opisyal na publikasyon ng NEUST Kampus ng Atate.

Ipinapaabot ng The Pen Movers ang buong pusong pagbati at hangarin sa patuloy na tagumpay sa lahat ng kanyang mithiin.

✏️Aubrey
🖌Yuri

𝐍𝐄𝐔𝐒𝐓 𝐊𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐧𝐠 𝐀𝐭𝐚𝐭𝐞, 𝐍𝐚𝐠𝐝𝐚𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚𝟏𝟐 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟎𝟐...
12/08/2025

𝐍𝐄𝐔𝐒𝐓 𝐊𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐧𝐠 𝐀𝐭𝐚𝐭𝐞, 𝐍𝐚𝐠𝐝𝐚𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚

𝟏𝟐 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟓 – Nagsagawa ang NEUST Kampus ng Atate ng pagpupulong bilang paghahanda sa nalalapit na selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa sa ika-28 ng Agosto. Inorganisa ni Bb. Dara Mae T. Fernandez, g**o sa Filipino, kasama ang Atate Campus Local Student Government (ACLSG), ang pagtitipon para sa paghahanda sa selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025, na dinaluhan ng The Pen Movers bilang katuwang sa programa. Pinagtibay sa pagtitipon ang temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa” bilang sentro ng pagdiriwang.

Tatlong paligsahan ang bahagi ng programa ng Buwan ng Wikang Pambansa: timpalak literari sa sanaysay, timpalak sining sa pagpipinta, at kultural na timpalak sa sayaw ng bayan.

Nagtalaga ang pamunuan ng mga pangkat na mangangasiwa sa dekorasyon ng entablado, rehistrasyon ng mga kalahok, kaayusan ng madla, at dokumentasyon ng mga kaganapan upang matiyak ang maayos na daloy ng programa; tinalakay rin kung paano paiigtingin ang koordinasyon sa pagitan ng mga organisador at kalahok upang masig**o ang agarang pagtugon sa teknikal at lohistikal na pangangailangan mula simula hanggang wakas ng selebrasyon.

Pinagtibay sa pagpupulong ang layunin ng gawain – ang pagyamanin at bigyang-halaga ang Filipino at mga katutubong wika bilang makasaysayang tulay tungo sa pagkakabuklod at pagpapatibay ng pambansang identidad.

📷Ruzzell, Kyle
✏️MJ Callora

Maligayang Kaarawan, Ruzzel! Isa ka sa mga masisipag at dedikadong miyembro ng ACLSG Family, tunay na kahanga-hanga ang ...
12/08/2025

Maligayang Kaarawan, Ruzzel!

Isa ka sa mga masisipag at dedikadong miyembro ng ACLSG Family, tunay na kahanga-hanga ang iyong malasakit at suporta sa mga gawain ng grupo. Ang iyong presensya ay nagbibigay kulay, at ang iyong sipag ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa iyong mga kasama.

Nawa’y maging puno ng kagalakan at magagandang alaala ang araw na ito para sayo. Panibagong taon , kasabay ng panibagong kabanata ng iyong buhay. Patuloy ka sanang gabayan at pagpalain upang matupad mo ang iyong mga pangarap.

Muli, maligayang kaarawan, Ruzzel! Ipagdiwang mo ang iyong araw nang may ngiti.

✒️: Mary
🎨: Armando



𝐍𝐄𝐔𝐒𝐓 𝐀𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬, 𝐏𝐨𝐫𝐦𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐧𝐮𝐤𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐥𝐚𝐬𝐞 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐖𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐭𝑨𝒈𝒐𝒔𝒕𝒐 11, 2025 – Neust Ata...
11/08/2025

𝐍𝐄𝐔𝐒𝐓 𝐀𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬, 𝐏𝐨𝐫𝐦𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐧𝐮𝐤𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐥𝐚𝐬𝐞 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐖𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐭

𝑨𝒈𝒐𝒔𝒕𝒐 11, 2025 – Neust Atate, Palayan City. Masiglang simula ng taong panuruan 2025–2026, matagumpay na isinagawa ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) Atate Campus ang unang seremonya ng pagtataas ng watawat ngayong Lunes bilang hudyat ng pormal na pagbubukas ng klase.

Pinangunahan ng mga opisyal ng kampus, g**o, at kawani ang nasabing aktibidad na dinaluhan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang programa. Sa pagiging tagakumpas ni Gng. Trixie Joy Sabado para sa pambansang awit at martsa ng NEUST, at sa pambungad na panalangin na pinangunahan naman ni Gng. Rowena D. Portuguez, sinundan ito ng pagbigkas ng panata ng g**o ni Gng. Johannah Mae V. Pastorfide, panata ng bagong Pilipinas ni Ginoong. Christopher C. Da Jose, at Ang pagkaing pangkaisipan ay ibinahagi ni Crisanto C. De Jesus.

Ang tagline ng Unibersidad na ibinahagi ni Ginoong Crisanto D. De Jesus ay malinaw na ipinadaloy bilang pagkaing pangkaisipan para sa lahat.

Kasunod ng pagtataas ng pambansang watawat at pag-awit ng Lupang Hinirang, nagkaroon din ng maikling introduksyon kung saan ipinahayag ang kahalagahan ng global na kasanayan. Ibinahagi rin ang ilang mahahalagang anunsyo at patakaran ng kampus na susundin ng bawat mag-aaral, kabilang ang mga pabatid mula kina Gng. Marvie Ann D. Villacorta at Crisanto C. De Jesus hinggil sa uniporme, ID, nakalimbag COR, at proseso ng paglapit sa registrar kung may suliranin sa enrollment o asignatura.

Ang nasabing seremonya ay nagsilbing inspirasyon at paalala sa buong komunidad ng NEUST Atate Campus na magsimula ng may sigla, determinasyon, at malasakit sa kapwa, dala ang diwa ng pagiging isang tunay na Iskolar ng Bayan.

📷Aubrey, Ruzzell, Tristan
✏️Tyrone
✒️Yuri

10/08/2025
10/08/2025

𝟭𝟮 𝗛𝗢𝗨𝗥𝗦 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚, 𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡. 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗞𝗔 𝗡𝗔 𝗕𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 "𝗜𝗡𝗧𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗘 𝗬𝗢𝗨𝗥𝗦𝗘𝗟𝗙?" 😌

Ihanda na ang sarili–dahil isang pikit nalang, ballpen na ulit ang hawak mo. Sabay-sabay tayong magbilang ng nalalabing oras, dahil bukas... simula na ng pagbibilang ng mga quizzes at activities! 📒

Kita-kits mga Ka-Atatenians!

✒️: AIZLYN
🎨: RONIEL



𝙉𝙖𝙡𝙞𝙡𝙞𝙩𝙤 𝙥𝙖 𝙧𝙞𝙣 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙧𝙤𝙤𝙢 𝙏𝘽𝘼?  𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙣𝙖 𝙨𝙚𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣? 𝙊 𝙗𝙖𝙠𝙖 𝙢𝙖𝙮 𝙥𝙧𝙤𝙗𝙡𝙚𝙢𝙖 𝙨𝙖 𝙧𝙚𝙦𝙪𝙞𝙧𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙨, 𝙨𝙘𝙝𝙚𝙙𝙪𝙡𝙚, 𝙤 𝙠𝙪𝙣𝙜...
10/08/2025

𝙉𝙖𝙡𝙞𝙡𝙞𝙩𝙤 𝙥𝙖 𝙧𝙞𝙣 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙧𝙤𝙤𝙢 𝙏𝘽𝘼?
𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙣𝙖 𝙨𝙚𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣?
𝙊 𝙗𝙖𝙠𝙖 𝙢𝙖𝙮 𝙥𝙧𝙤𝙗𝙡𝙚𝙢𝙖 𝙨𝙖 𝙧𝙚𝙦𝙪𝙞𝙧𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙨, 𝙨𝙘𝙝𝙚𝙙𝙪𝙡𝙚, 𝙤 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙪-𝙖𝙣𝙤 𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜-𝙠𝙖𝙢𝙥𝙪𝙨 𝙣𝙖 𝙘𝙤𝙣𝙘𝙚𝙧𝙣?

Relax ka lang freshies, dahil may nag babalik na handang sumagot sa mga “huhh?” moments mo sa kampus. Meet AC!

Simula lunes opisyal ng magbubukas ang Help Desk handog ng Atate Campus Local Student Government. 📚
�Mangyaring dumiretso lamang sa first floor ng IT Building, tapat ng Registrar para masagot ang lahat ng iyong tanong, mula sa simpleng directions hanggang sa pag print ng mga requirements.

Sugod na mga Freshies. Kita-kits sa Help Desk!

✒️: RENIEL
🎨: JEAR



𝐌𝐚𝐢𝐧𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐍𝐚𝐬𝐚 𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐊𝐨𝐥𝐞𝐡𝐢𝐲𝐨 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐓𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐍𝐄𝐔𝐒𝐓 𝐀𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐅𝐫𝐞𝐬...
08/08/2025

𝐌𝐚𝐢𝐧𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐍𝐚𝐬𝐚 𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐊𝐨𝐥𝐞𝐡𝐢𝐲𝐨 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐓𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐍𝐄𝐔𝐒𝐓 𝐀𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐅𝐫𝐞𝐬𝐡𝐦𝐞𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐮𝐫𝐮𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟓–𝟐𝟎𝟐𝟔.

𝐀𝐓𝐀𝐓𝐄, 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘 – 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟓 – Isinagawa ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) Atate Campus ang isang matagumpay na Freshmen Orientation Program bilang pormal na pagsalubong sa mga bagong estudyante sa unang taon ng kolehiyo para sa Taong Panuruan 2025–2026.

Pinangunahan ni Atty. Gerald Quijano, Campus Director ng NEUST Atate, ang pagbubukas ng programa at ang mainit na pagtanggap sa mga dumalong freshmen. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsusumikap at dedikasyon sa pag-aaral bilang pundasyon ng tagumpay sa hinaharap.

Dinaluhan ang programa ng iba’t ibang opisyales mula sa pamunuan ng unibersidad at mga kinatawan mula sa mga organisasyon ng kampus, kabilang ang Atate Campus Local Student Government (ACLSG), Atate Peer, ACE-IT, Pen Movers, Junior Marketing Association (JMA), Next Gen Innovators Society (NGIS), at Empowerment and Liberation of Spectrum Association (ELSA). Ang mga naturang pangkat ay nagpakilala at nagbahagi ng kani-kanilang mga programa at adbokasiya upang hikayatin ang mga bagong estudyante na maging aktibong kabahagi ng Kampus

Kasama sa mga naging bahagi ng oryentasyon ang pagpapakilala sa mga pasilidad at serbisyo ng NEUST, gaya ng aklatan, computer laboratories, student services, at iba pang learning resources. Ipinaliwanag din ang mga patakaran at regulasyon ng unibersidad upang maging gabay ng mga estudyante sa kanilang panibagong yugto ng pag-aaral.

Nagkaroon din ng mga information sessions kung saan ipinaalam sa mga freshmen ang iba’t ibang kurso at akademikong programa, mga oportunidad para sa scholarship, at mga extracurricular activities na makatutulong sa kanilang personal at propesyonal na pag-unlad.

Ayon sa pamunuan, ang layunin ng oryentasyon ay hindi lamang upang ipakilala ang unibersidad, kundi upang ihanda ang mga estudyante sa kanilang bagong kapaligiran at maipakita ang suporta ng pamayanan ng NEUST sa kanilang paglalakbay akademiko.

Sa pagtatapos ng programa, muling pinaalalahanan ng mga opisyal ng NEUST ang mga freshmen na sulitin ang lahat ng oportunidad na inaalok ng unibersidad at maging masigasig sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng Freshmen Orientation ay nagbigay ng positibong simula para sa mga bagong estudyante ng NEUST Atate Campus sang simula na puno ng pag-asa, inspirasyon, at pangakong tagumpay.

📷 Ruzzell, Tyrone
✏️ Janah

08/08/2025

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐇𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐌𝐈𝐓𝐄 𝐍𝐆 𝐈𝐌𝐏𝐎𝐑𝐌𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍!

Isang mainit na pagbati sa kaarawan ng tapangulo ng Information Committee, Reniel G. Corpuz.
Ang iyong patuloy na dedikasyon bilang isang mag-aaral at lider ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa bawat isa. Nawa'y maging masaya at mapagpala ang iyong kaarawan at maging matatag ka pa sa mga susunod na hamon ng iyong buhay.

🎨: JEAR
✒️: AIZLYN



Address

Atate
Palayan City
3132

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Pen Movers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category