30/09/2025
Handa na ba kayo, KPPop stans at aspiring idols? Inanunsyo na ang KPPop Auditions na gaganapin sa Palayan City Night Market sa darating na Oktubre 10 at 17, 2025, 7PM.
Ayon sa organizers, bukas ang audition para sa mga kabataang edad 12โ18, na may grupo mula 4 hanggang 9 miyembro, male o female. Kailangan lamang maghanda ng 3 minutong performance at magsuot ng K-pop o P-pop inspired outfits para sa kanilang stage act.
Layon ng nasabing audition na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maipakita ang kanilang talento sa pagkanta, pagsayaw, at pagpe-perform sa entablado.
Para makapag-register, maaaring punan ang form online o personal na pumunta sa LEDIPO Office, Palayan City Hall, Brgy. Singalat, Palayan City.
โจ Tara na at ipakita ang confidence, energy, at passion mo โ baka ikaw na ang susunod na KPPop star ng Palayan!
FILE: LEDIPO Palayan City