
20/09/2025
NUEVA ECIJA, NAKAHANDA SA BAGYONG NANDO
Nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o
PDRRMC Nueva Ecija kahapon Setyembre 19, 2025, bilang paghahanda sa Bagyong Nando.
Ayon sa PAGASA, hindi direktang tatama ang bagyo ngunit magdadala ito ng malalakas na ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at pinsala sa agrikultura. Nanganganib maapektuhan ang higit 15,000 ektarya ng palay at iba pang pananim kaya’t pinayuhan ang mga magsasaka na anihin na ang mga pwede nang i-harvest.
Nakaalerto na ang PNP, BFP, Army, at medical teams ng PHO Nueva Ecija; habang may nakahandang food packs at non-food items ang PSWDO, at naka ready rin ang mga heavy equipment at evacuation centers.
Samantala, nananatiling ligtas ang Pantabangan Dam sa water level na 210.08 meters (as of September 19).
Naka-activate 24/7 ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO Operations Center ng Kapitolyo ng Nueva Ecija para sa agarang tugon.