Coastal Cop

Coastal Cop Digital Creator
email me for inquiries: [email protected]
(4)

Pope Leo XIV, Pumasok sa Mosque at Nagdasal! Isang kakaibang pangyayari ang ginawa ni Pope Leo XIV sa pagbisita niya sa ...
24/04/2026

Pope Leo XIV, Pumasok sa Mosque at Nagdasal!

Isang kakaibang pangyayari ang ginawa ni Pope Leo XIV sa pagbisita niya sa Algeria. Bilang unang Amerikanong santo papa, pumasok siya sa isang napakalaking mosque, nagtanggal ng sapatos, at tahimik na nanalangin kasama ang imam.

Sa simpleng ginawa niya, ipinakita niya na puwedeng magkaintindihan at magrespeto ang magkaibang relihiyon. Kahit may ilan na hindi sang-ayon, malinaw ang gusto niyang iparating mas maganda ang samahan kung may respeto at bukas na pag-iisip..

15/04/2026

Dito mismo isinilang si Hesus (ISA ALAYHI SALAM)

15/04/2026

Grabe harap-harapang pagnanakaw!

Kung totoo man na siya ang nasa litrato o hindi, pero totoo ang sitwasyon na kanyang pinagdadaanan, iyon sana ang pinagt...
13/04/2026

Kung totoo man na siya ang nasa litrato o hindi, pero totoo ang sitwasyon na kanyang pinagdadaanan, iyon sana ang pinagtutuunan natin ng pansin, hindi ang panghuhusga o pangungutya.

Masakit isipin na sa halip na tulungan, lalo pa siyang napapahiya dahil sa paraan ng paghawak sa usapin. Pasintabi na lang po, pero may mga pagkakataon na pati ilang kamal o lider ay hindi nag-iisip nang maigi! kung sensitibo ang usapan, bakit hindi ito ginagawa sa loob ng isang saradong lugar? Bakit sa publiko pa, kung saan siguradong may makakakita, may magvi-video, at lalo lang lalala ang kahihiyan ng babae?

Hindi na dapat ito ikagulat kung may kumalat na video, dahil inilalagay mismo sa sitwasyong lantad ang isang taong dapat pinoprotektahan.

Sa hanay ng PNP, kapag may ganitong klaseng reklamo, Women and Children Protection Desk (WCPD) officer ang humahawak. Sa loob ito ng isang pribadong kwarto pinag-uusapan—walang ibang tao, walang kamera—para mapanatili ang dignidad ng complainant. Kadalasan, babae ring pulis ang humaharap para masigurong hindi mapapahiya ang babaeng nagsusumbong.

Ganyan kasagrado at kaingat ang pagtrato sa ganitong mga kaso, dahil alam namin na higit sa lahat, tao ang dapat pinapangalagaan, hindi sinisira ang dangal.

Kung may mali man, may tamang paraan para itama, hindi sa harap ng maraming tao, at lalong hindi sa paraang mag-iiwan ng kahihiyan habang buhay.

Nahuli na pala ang demonyong nagkatawang tao na pumatay sa bata na nanguha lang ng mangga. Sana maramdaman mo ang impyer...
11/04/2026

Nahuli na pala ang demonyong nagkatawang tao na pumatay sa bata na nanguha lang ng mangga. Sana maramdaman mo ang impyerno sa loob ng kulungan, at pagbayaran mo ng sampung beses ang bawat pighati at sakit na sinapit ng batang walang kalaban-laban sa iyong kamay.

Isipin mo isang inosenteng 7-anyos, simpleng kumuha lang ng mangga… at ang kapalit ay buhay niya? Anong klaseng utak at puso ang meron ka para paluin ng dos por dos ang isang bata? Hindi ito disiplina, ito ay brutalidad. Hindi ito pagtuturo ng leksyon, ito ay malinaw na krimen!

Walang kahit anong dahilan ang pwedeng mag-justify sa ginawa mo. Kahit anong galit, kahit anong kahirapan, hindi kailanman magiging tama ang pumatay ng bata. Dapat ka talagang managot sa batas, at sana habang buhay kang multuhin ng konsensya mo sa bawat segundo ng ginawa mong kasamaan.

Ang buhay ng bata ay hindi kailanman katumbas ng kahit anong bagay, lalo na ng ilang pirasong mangga lang..

MANGGA LANG, BUHAY NA AGAD?! 7-ANYOS NA BATA, PINATAY NG WALANG AWA!Nakakagalit at napakasakit ng nangyari sa 7-anyos na...
10/04/2026

MANGGA LANG, BUHAY NA AGAD?! 7-ANYOS NA BATA, PINATAY NG WALANG AWA!

Nakakagalit at napakasakit ng nangyari sa 7-anyos na si Tamtam Alegase na pinatay umano dahil lang sa pagkuha ng mangga sa Zamboanga del Norte noong Abril 8, 2026. Sa halip na pagsabihan, brutal siyang binugbog ng suspek gamit ang kahoy hanggang sa mamatay.

Walang anumang dahilan ang makakapagbigay-katwiran sa ganitong kalupitan, lalo na sa isang inosenteng bata. Ang pagtuturo ng leksyon ay hindi kailanman dapat humantong sa pagkitil ng buhay.

Mariin itong kinokondena ng komunidad at ng mga human rights groups. Malinaw: ito ay paglabag sa batas at sa karapatang pantao ng bata.

Hustisya para kay Tamtam. Walang puwang ang ganitong karahasan sa ating lipunan.

10/04/2026

Synagoga ng mga Hudyo sa Tehran, binomba ng Israel?

09/04/2026

May kapangyarihan o A. I generated?

08/04/2026

2010 pa raw nung nag Balik-Islam sya

Ang self-proclaimed “Angel of Death,” Ayoub Falih Hassan al-Rubaie ay nasa Tehran na? Kung titignan ang background niya,...
07/04/2026

Ang self-proclaimed “Angel of Death,” Ayoub Falih Hassan al-Rubaie ay nasa Tehran na?

Kung titignan ang background niya, dito nagiging interesting: beterano siya ng ilang totoong digmaan. Lumaban siya noong 2003 Iraq War laban sa U.S. bilang bahagi ng Mahdi Army, kung saan uso ang ambush at guerilla tactics, dito nabuo yung reputasyon niya sa diskarte at tapang.

Pagdating naman ng laban kontra ISIS, sumali siya sa Popular Mobilization Forces. Dito lalo siyang sumikat online, may mga video at kwento na nagpapakita ng pagiging fearless at aggressive sa combat.

Kaya gaano siya kalakas o katalino? Malamang, sanay siya sa actual battlefield, hindi lang basta hype. Pero yung “Angel of Death” image niya? Halo na yun ng karanasan, social media, at pagpapalaki ng kwento.

Parang sa pelikula, may basehan sa realidad, pero pinalalakas para mas tumatak..

05/04/2026

Anong klaseng anak ito?

Address

Palimbang, Sultan Kudarat
Palimbang
9809

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Coastal Cop posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share