05/07/2025
Sinampel at sinaktan ako ni Jaze pero di magawang magalit🥹
This past few months nakaencounter ako ng ilang interviews about our “Autism Journey” they keep on asking me ano yung natutunan at nagkaroon ako start nung journey namin at ang lagi kong sagot “sobrang humaba yung pasensya ko”…
Madalas kami masabihan “mukha naman siya wala autism” “gawa gawa nyo lang para may macontent” “dina nagtatantrums kaya okay nayan”
Bilang isang magulang kami yung pinaka nasaktan noong nadiagnosed si Jaze dahil ang pagkakaroon ng “autism” hindi ito sakit na kapag pinainom mona ng gamot ay okay na… wala siyang gamot… forever siya…
Oo wala ng masyado tantrums si Jaze sobrang laki din ng inimprove niya at oo napaka swerte namin kasi nabibigay namin mga kailangan niya lalo therapy, pero hindi po kami swerte sa pagkakaroon ng anak na may autism…
Sana wala nalang, sana pwede kong i-filter lahat ng nangyayare sa amin sa journey namin sakanya sa totoo lang pwedeng pwede namin itago at ipakita na para na siyang normal na bata kasi itong video na mapapanood niyo hindi niya ginagawa yan sa ibang tao sa amin lang, lalo na sa akin dahil ako ang pinaka comfort zone niya… sa tulong ng therapy, namin, pamilya at ibang tao natuto si Jaze na i-handle ang emotions niya sa ibang tao at sana tuloy tuloy na dahil ayoko gawin ni Jaze ito sa ibang tao…
Hindi namin tinatago at dinedeny ang sitwasyon na meron kami dahil lalo lang kami mahihirapan tulungan si Jaze.
Hindi lang ito nangyare isang beses at madalas tinatry ko talagang hindi umiyak dahil alam ko magiging reaction niya kapag umiyak ako, hindi ko kasi pwede ipakita sakanya na mahina ako dahil lalo niya lang akong sasaktan, hindi ko din siya pwede gantihan dahil kapag ginagawa koyon gagayahin nya lang at kahit ganito siya nagpapasalamat ako na aware siya sa mga ginagawa niya at sobrang guilty din niya
Tinuturuan ako ni Jaze na may mga laban sa buhay na minsan hindi natin kailangan patulan, minsan mas kailangan natin intindihin at pagpasensyahan…Kung di ganito anak mo apakaswerte mo at please maging aware ka na di lahat pare pareho ang nararanasan sa journey nila bilang isang nanay…