14/10/2025
PROTEKSYON NG MGA HUMAN RIGHTS DEFENDER, ISINUSULONG SA CITY OF SAN FERNANDO
Itinutulak ngayon ng Sangguniang Panlungsod (SP) ang pagbibigay ng sapat na proteksyon sa mga human rights defenders sa Syudad San Fernando.
Isinagawa ng SP Committee on Human Rights and Social Justice nitong October 13, sa Heroes Hall ang isang public hearing hinggil sa panukalang ordinansa ito.
Pinangunahan ni City Councilor Reggie “G4” David ang public hearing bilang author ng proposed ordinance na ito. Katuwang din sa pagdinig sina Councilor Noel Tulabut, Harvey Quiwa, Ate Kay Pineda, Jayson Castro Sicat, at Elmer Bengco.
Dumalo naman sa nasabing public hearing ang mga kinatawan ng barangay tulad ng mga punong barangay, secretary at mga miyembro ng VAWC (Violence Against Women and Their Children) desks, gayundin ang mga opisyal ng City of San Fernando Police.
Layunin ng panukalang ordinansa na protektahan ang karapatan at kalayaang pantao ng mga indibidwal at organisasyong nagsusulong ng karapatang pantao sa lungsod.
Kabilang sa mga probisyon nito ang paglikha ng Human Rights Division sa ilalim ng City Legal Office, pagtatalaga ng mga freedom park para sa mapayapang pagtitipon, at pagpapatupad ng mga programa sa edukasyon at impormasyon hinggil sa karapatang pantao sa mga paaralan at komunidad.
Samantala, present din sa nasabing public hearing sina SP Secretary Atty. Joeriz Balatbat at Atty. Cornelio Tallada, Jr. na kumatawan kay City Legal Officer Atty. Kristannico Abad. Nakiisa rin sa pagtitipon sina Atty. Socrates Padua mula sa Public Attorney’s Office at Atty. Nicolle Timoteo mula sa Commission on Human Rights.
via Atsing Malagu - Jenna Lumbang-Parungao
📸CSFP CIO