
26/08/2024
Masain tabi?!
Kadaklan sa mga Pilipino gusto mag arabroad, ki gradwar nin college o dae, basta maabroad ta sa abroad daa, dakula an sweldo! Ano pa lugod an mga kapamilya naghuhuna pag yaon kana sa abroad, nagtataga purot kana sana nin kwartaπ
Kadaklan na mahihiling nindo sa laog kan mga ahensya (manpower agencies) siring man sa POEA na nakapaskil arog kani:
HUWAG KANG MAG ABROAD...
1. Kung hindi BUO ang LOOB mo
2. Kung may PUMILIT lang sa iyo
3. Kung hindi mo kayang MAGSAKRIPISYO, hindi lang basta basta SAKRIPISYO, kungdi walang katapusang pagsaSAKRIPISYO
4. Kung hindi mo kayang mag PASENSYA, dahil sa Abroad milya milyang pisi ng PASENSYA ang dapat na dala dala mo
5. Kung hindi mo kayang mag TIYAGA, dahil hindi kailanman MADALI ang trabaho sa Abroad
6. Kung MALULUNGKUTIN ka, at hindi mo kayang gumawa ng paraan para maaliw ka,
7. Kung MATATAKUTIN ka, dahil sa Abroad marami kang maririnig na di kanais nais na kuwento, ngunit kung ikaw ay mabilis na magpapaapekto, tandaan mo na TRABAHO ang pinunta mo, hindi mga KUWENTO,
8. Kung hindi mo kayang MAKISAMA, dahil ibat-ibang lahi ang makakasalamuha mo,
9. Kung hindi ka MATATAG, sa Abroad maraming maaaring manira sa iyo at madami kang mararanasang PAGSUBOK,
10. Kung sadyang mahina ang KALUSUGAN mo, dahil hindi lang BIGAT ng TRABAHO kungdi PUYAT, kulang sa PAGKAIN, kawalan ng GAMOT, at pabago bagong panahon ang kalaban mo,
11. Kung MAHINA ang iyong PANININDIGAN at PRINSIPYO sa buhay, dahil dito naglipana ang lahat ng TUKSO,