17/08/2025
๐ฆa bawat titik at tunog ng ating wika, hinahabi natin ang kasaysayan at pagkakaisa ng bayan. Ating linangin ang Filipino at Katutubong Wika dahil sa puso ng bawat Pilipino, naroon ang kwento ng ating bansa.
๐ng tema ng selebrasyon ng Buwan ng Wika ngayong taon ay โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.โ
Bilang isang anak wika, isa sa naging paborito kong akda ni Dr. Jose Rizal ay ang kaniyang tulang pinamagatang โSa Aking Mga Kabata.โ Itoโy isinulat niya nang siyaโy bata pa na may layuning hikayatin ang mga kabataan na tangkilikin at mahalin ang ating sariling wika. Doon nagmula ang tanyag na linyang, โAng hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.โ
Unang tanong, bakit ba natin kailangang mahalin ang ating wika? Ang wika ang kaluluwa ng isang lahi. Tulad ng kaluluwa sa katawan, ang wika ang nagbibigay buhay sa kultura. Ang ibig sabihin nito, kapag nawala ang wika, nawawala rin ang kultura, kasaysayan, at diwa ng isang bayan.
๐ฃaano nga ba magmahal ng sariling wika? Sa pamamagitan ba ng ganito? Oppa, saranghae jagiya, apado gwaenchana-yo; kasi pakiramdam ko kapag binibigkas ko ang mga linyang iyon ay mas โbelongโ ako sa aking mga kapwa. Kasi yun ang uso. O baka naman ganito, "A blessed morning to one and all. I am truly elated and honored to be part of this momentous celebration dedicated to our beloved language, a powerful vessel of our identity, heritage, and unity." Kasi kapag wikang Ingles ang gamit ko, nagiging matalino ako sa tingin ng mga tao. Kasi, ulit, tuyo na ang tubig ng ilog at dumarami na ang mga malalansang isda.
๐koโy nagmula sa bayang higit na pinapahalagahan ang pagiging matatas sa Ingles kaysa sa sariling wika na wariโy kapag ikaw ay mahusay sa Filipino, ikaw ay hindi kasing talion. Subalit, aanhin mo ang wikang banyaga kung ang sarili mong wika ay hindi mo matalima.
๐akit ko ito binabanggit? Sapagkat, unti-unting naluluma at natatabunan ang wika na dapat sanaโy patuloy nating iniingatan. Ang banyagang wikaโy maaaring maging susi sa maraming pinto, ngunit ang sariling wika ang siyang nagbukas ng unang pintuan ng ating pagkatao. Kapag itinakwil natin ito, para tayong punong pinuputol sa ugat, at iniwang walang kakayahang muling mamunga.
Sana habang nasa proseso ka ng pagsasanay ng wikang Ingles ay huwag mong kalimutan ang iyong inang wika. Hindi masama ang matuto ng iba pang wika; sa katunayan, ito ay yaman at sandata rin. Ngunit mali kung ang paggamit ng banyaga ay nagiging dahilan upang maliitin ang sariling atin. Tandaan: hindi nasusukat sa banyagang salita ang talino, at hindi kahinaan ang pagiging mahusay sa Filipino. Sa halip, itoโy patunay na tayo ay may ugat, may pinagmulan, at may matibay na pundasyon. Gayundin, kailanman, walang wika na higit na nakatataas kaysa sa iba. Lahat ng wika ay pantay-pantay.
๐ฆa ating araw-araw na buhay, may magagawa tayong hakbang para mahalin at pangalagaan ang ating wika. Una, gamitin natin ito sa mga simpleng usapan: sa tahanan, sa paaralan, at sa pakikipagkapwa. Ikalawa, pagyamanin natin ang ating bokabularyo sa Filipino at mga katutubong wika; huwag nating hayaan na makulong tayo sa paulit-ulit na iilang salita lamang. Ikatlo, ipasa natin sa susunod na henerasyon ang mga kwento, alamat, tula, at kasabihang ating minana. Sa ganitong paraan, hindi lang wika ang ating pinapasa, kundi pati kasaysayan at kultura.
~ ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ ๐ป๐ถ ๐๐ฏ. ๐๐ฟ๐ถ๐ฐ๐ฎ ๐๐๐ถ๐ด๐ฎ, ๐๐๐ฟ๐ผ ๐๐ฎ ๐๐๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ.