24/03/2026
CYBER LIBEL LABAN SA 18-EX MARINES, INIHAIN
NI TRILLANES
Inihain ngayong araw ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa Department of Justice ang mga kasong cyberlibel laban sa 18 dating sundalo.
Ito ay kasunod ng kanilang mga pahayag sa media na umano’y nag-abot sila ng “maleta ng pera” kay Trillanes, na sinasabing para sa International Criminal Court.
Dagdag pa ang naturang reklamo sa nauna nang perjury case na isinampa ni Trillanes laban sa nasabing grupo.