
28/03/2025
Ito ako noon last January 2024, nagkaprotenuria, lumubo yung buong katawan at dahil occupied na lahat ng tubig yung katawan ko, sa tiyan naman sya nagretain yung mga tubig. Nahihirapan na po ako nito maglakad, mas gusto ko na lang nakaupo palagi, palaki ng palaki yung tiyan ko po dyan, hanggang sa di ko na po nakayanan at nagpaconfine na po kami, nagdadalawang isip pa nga ako nun eh kasi, yung pera naubos na sa medication pero wala namang alebyo. Itong larawang ito ay sekretong kinunan ng jowa ko kasi alam nya sa sarili niya na ayaw na ayaw kung nagpipicture sa sitwasyon ng health ko noon, pero mas maigi pala yun kasi para may remembrance ko sa mga nangyari sa buhay mo, kung pano ko yun nalampasan lahat ng pagsubok sa buhay kasama ang Diyos na buhay sa buhay ko.