08/07/2026
Lahat ng ’yan ako.
Alam n’yo kung ano yung biggest difference? Hindi lang yung timbang. Nagkaroon ako ng routine, discipline, at mas natutunan kong alagaan yung sarili ko.
Noon, honestly, wala naman talaga akong pake kung tumaba ako. Alam ko mahal ako ng asawa ko at lagi naman niyang sinasabi na maganda ako. Kaya naging comfortable ako.
Pero may isang moment na tumatak talaga sa akin.
Nung naglalakad na at nakakatakbo na yung anak ko, bigla siyang tumakbo sa malayo. Gusto ko siyang habulin pero hindi ko kaya. Kapatid ko pa yung humabol para sa kanya. Doon ako natauhan.
Sabi ko sa sarili ko, ayoko na dumating sa point na hindi ko masabayan yung anak ko dahil sa health ko.
Nag-start ako mag-diet. As in 3 months na halos walang rice at puro itlog. Umabot sa point na sawa na sawa na ako sa itlog at parang nangangarap na lang ako ng ibang pagkain. 😂
Then unti-unti akong nagkaroon ng routine. Malaking tulong yung husband ko. Maaga siyang umuuwi para makapag-walking kami. Sinamahan niya rin ako mag-gym. Tapos ngayon, nag-eenjoy na rin kami sa pickleball.
Hindi siya mabilis na journey. Hindi rin siya perfect. May mga araw na tinatamad ako, may mga araw na gusto kong mag-give up. Pero ang importante, bumabalik ako sa routine.
From 74 kg to 57 kg. Hindi man overnight, pero worth it lahat ng effort.
And if may natutunan ako sa journey na ’to, ito yun:
Hindi mo kailangang maghintay ng Monday, New Year, o perfect timing para magsimula. Start where you are. Kahit maliit na changes lang every day. Consistency beats motivation every single time.
Kasi at the end of the day, hindi lang naman pagpapapayat ang goal. Ang goal is to become healthier, stronger, and present for the people you love. 🤍