RandomKowts

RandomKowts POSITIBOTAYO

Sha G. Elicano
07/02/2026

Sha G. Elicano

Ang Bata sa Dilim

Bandang alas-nuwebe ng gabi nang magmaneho si Mara pauwi. Tahimik ang kalsada, tanging ilaw ng poste at tunog ng makina ng sasakyan ang kasama niya. Biglang may napansin siyang bata—isang munting pigura na tila apat na taong gulang—naglalakad mag-isa sa gilid ng daan.

Napabagal ang takbo ng sasakyan. Tumingin siya sa paligid, umaasang may makikitang magulang o kahit sinong matandang kasama ang bata. Ngunit wala. Walang bahay na bukas, walang anino ng ibang tao—ang bata lang, mag-isa sa dilim.

Unang pumasok sa isip ni Mara ang huminto at tulungan ito. Paano kung naligaw? Paano kung kailangan ng saklolo? Ngunit bago pa man niya tuluyang tapakan ang preno, may biglang sumagi sa kanyang alaala—isang pelikulang napanood niya kamakailan. Isang modus kung saan ginagamit ang bata bilang pain ng mga tulisan.

Napaatras ang kanyang kamay sa manibela. Nag-alinlangan siya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. May kung anong kaba siyang naramdaman—isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag, parang may mali, parang may nagbababala.

Sa kabila ng konsensiyang sumisigaw na tumulong, nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Tiniis niya ang bigat sa dibdib at ang larawan ng batang iniwan sa dilim.

Ngunit makalipas lamang ang ilang metro, may nakita siyang kumpol ng mga tao sa gilid ng daan. May mga tanod, may pulis, at isang babaeng umiiyak habang halos hindi makapagsalita. Napabagal si Mara at binuksan ang bintana upang makinig.

Sa pagitan ng hikbi, narinig niya ang sigaw ng babae:
“Naghuhugas lang ako ng mga pinggan… naglalaro lang siya sa sala…”

Parang may malamig na hangin ang dumaan sa kanyang batok. Bigla siyang kinilabutan. Ang batang nakita niya kanina—iyon ba ang tinutukoy ng babae?

Hindi na siya lumingon pa. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho, ngunit ang bigat sa kanyang dibdib ay mas lalo pang bumigat. Sa gabing iyon, napagtanto ni Mara na minsan, ang takot at pag-aalinlangan ay maaaring magligtas sa atin—o kaya nama’y mag-iwan ng habambuhay na panghihinayang.

At sa dilim ng kalsada, ang larawan ng batang naglalakad mag-isa ay patuloy na multong susunod sa kanya.

07/02/2026

Ang Bata sa Dilim

Bandang alas-nuwebe ng gabi nang magmaneho si Mara pauwi. Tahimik ang kalsada, tanging ilaw ng poste at tunog ng makina ng sasakyan ang kasama niya. Biglang may napansin siyang bata—isang munting pigura na tila apat na taong gulang—naglalakad mag-isa sa gilid ng daan.

Napabagal ang takbo ng sasakyan. Tumingin siya sa paligid, umaasang may makikitang magulang o kahit sinong matandang kasama ang bata. Ngunit wala. Walang bahay na bukas, walang anino ng ibang tao—ang bata lang, mag-isa sa dilim.

Unang pumasok sa isip ni Mara ang huminto at tulungan ito. Paano kung naligaw? Paano kung kailangan ng saklolo? Ngunit bago pa man niya tuluyang tapakan ang preno, may biglang sumagi sa kanyang alaala—isang pelikulang napanood niya kamakailan. Isang modus kung saan ginagamit ang bata bilang pain ng mga tulisan.

Napaatras ang kanyang kamay sa manibela. Nag-alinlangan siya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. May kung anong kaba siyang naramdaman—isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag, parang may mali, parang may nagbababala.

Sa kabila ng konsensiyang sumisigaw na tumulong, nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Tiniis niya ang bigat sa dibdib at ang larawan ng batang iniwan sa dilim.

Ngunit makalipas lamang ang ilang metro, may nakita siyang kumpol ng mga tao sa gilid ng daan. May mga tanod, may pulis, at isang babaeng umiiyak habang halos hindi makapagsalita. Napabagal si Mara at binuksan ang bintana upang makinig.

Sa pagitan ng hikbi, narinig niya ang sigaw ng babae:
“Naghuhugas lang ako ng mga pinggan… naglalaro lang siya sa sala…”

Parang may malamig na hangin ang dumaan sa kanyang batok. Bigla siyang kinilabutan. Ang batang nakita niya kanina—iyon ba ang tinutukoy ng babae?

Hindi na siya lumingon pa. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho, ngunit ang bigat sa kanyang dibdib ay mas lalo pang bumigat. Sa gabing iyon, napagtanto ni Mara na minsan, ang takot at pag-aalinlangan ay maaaring magligtas sa atin—o kaya nama’y mag-iwan ng habambuhay na panghihinayang.

At sa dilim ng kalsada, ang larawan ng batang naglalakad mag-isa ay patuloy na multong susunod sa kanya.

07/02/2026

Babae ipina- Annul ng kanyang ASAWA dahil hindi sya magka Anak, nag asawa uli bilang dalaga--- sa huli ay nangyari na pinagsisihan Ng lahat---

Isang dalagang simple ngunit puno ng pangarap si Samantha. Hindi niya inakalang ang kanyang kapalaran ay dadalhin siya sa piling ng isang mayamang negosyante na si Bricks. Sa unang taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, tila perpekto ang lahat—masaya, puno ng pang-unawa, at pagmamahalan.

Ngunit unti-unting sumilip ang lungkot sa kanilang tahanan. Sa kabila ng matagal na pagsasama, hindi pa rin sila biniyayaan ng anak. Napag-alaman nilang nagkaroon ng komplikasyon si Samantha sa kalusugan at kinailangang sumailalim sa laser treatment. Gumaling man siya, nanatiling mailap ang biyayang matagal nilang hinihintay.

Doon nagsimulang magbago ang ihip ng hangin.

Isang gabi, dumalo sina Samantha at Bricks sa birthday celebration ng isang close family friend—si Sheena, isang batang doktor at kababata ni Bricks. Magarbo ang handaan, puno ng mga bisita mula sa alta sosyedad. Halos lahat ay tila may inaasahang mangyari.

Habang abala ang lahat sa kasiyahan, hindi nakaligtas kay Samantha ang mga matang palihim na sumusulyap sa kanilang dalawa—lalo na mula sa kanyang biyenan.

Lumapit ang ina ni Bricks kay Sheena, hawak ang kamay nito at buong pagmamalaking ipinakilala sa mga bisita.

“Alam n’yo ba, kung si Sheena sana ang napangasawa ng anak ko, baka mas masaya si Bricks ngayon,” may ngiting sabi nito, hindi alintana kung may masasaktan. “Doktor, maganda, matalino… at siguradong mabibigyan siya ng mga anak.”

Parang tinusok ang puso ni Samantha sa bawat salitang iyon.

Nagkatinginan ang ilang bisita. Ang iba ay nagbulungan, ang iba nama’y nagkunwaring walang narinig. Si Sheena ay bahagyang nailang, ngunit nanatiling tahimik.

Narinig iyon ni Bricks. Bahagya niyang hinawakan ang kamay ni Samantha. “Huwag mo silang pansinin,” mahinang bulong niya. “Ikaw ang asawa ko.”

Ngumiti si Samantha, pilit ikinubli ang sakit. Pinili niyang magtiwala at magpakumbaba. Ngunit mula sa gabing iyon, nagsimula na ang mga pagpaparinig, ang malamig na tingin, at ang unti-unting paglayo ng loob ng kanyang asawa.

Unti-unting nag-iba ang pakikitungo ng mga magulang ni Bricks kay Samantha. Hindi na maitago ang kanilang pananabik na magka-apo at magkaroon ng tagapagmana sa negosyo ng pamilya. Sa una, ipinagtanggol pa siya ni Bricks. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti ring lumamig ang puso ng kanyang asawa.

Madalas na silang magtalo. Maliit na bagay, lumalaki. Hanggang sa dumating ang araw na hindi na nakatiis si Samantha sa mga patutsada ng kanyang biyenan—na umano’y inuubos niya lamang ang pera ng kanilang anak nang wala naman siyang maibigay na tagapagmana.

Mula noon, tuluyan nang nagbago si Bricks.

Isang gabi, may iniabot itong sobre kay Samantha. Nanginginig niyang binuksan iyon—at gumuho ang kanyang mundo. Annulment papers.

Hindi siya makapagsalita. Napaluhod siya sa iyak.

“Ito na ba ang halaga ko sa’yo?” nanginginig niyang tanong.

Walang naisagot si Bricks. Kinabukasan, ibinalik siya nito sa bahay ng kanyang mga magulang. Doon niya ibinuhos ang lahat ng sakit at hinanakit. At hindi nagtagal, tuluyan na siyang ipinagbawal na makapasok sa mansyon ng pamilya ng kanyang asawa.

Ngunit ang pinakamalupit ay dumating pa—

Isang dokumentong nagsasabing siya raw ay psychologically incapacitated, base sa pagsusuri ng psychiatrist—na mismong si Bricks ang nagpasimuno.

“Ha? Siya mismo ang nagdeklara na sya ay may sakiy pag-iisip,para anu?, para mas mapadali Ang proseso Ng ANNULMENT?” umiiyak na bulalas ni Samantha.

Doon niya tuluyang tinanggap ang katotohanang desperado na ang kanyang asawa na tapusin ang kanilang pagsasama.

Sa tulong ng simbahan at ng kanyang mga kaibigan, unti-unti niyang binuo muli ang sarili. Natutunan niyang tanggapin ang sakit at gawing lakas ang bawat luha.

Rejection is a redirection.

Pagkalipas ng panahon, nakilala niya si Frank, isang mabait at responsableng inhinyero. Dahan-dahan niyang binuksan muli ang kanyang puso. Ngunit dahil sa trauma, takot pa rin siyang muling masaktan.

Hanggang sa isang araw, isang balitang nagpabago sa lahat—buntis siya.

Hindi mapigil ang kanyang luha sa labis na saya. Tinanggap niya ang alok ni Frank na magpakasal, at sinimulan nila ang bagong yugto ng kanilang buhay.

Lumipas ang siyam na buwan.

Sa isang ospital kung saan siya nagpapacheck-up, bigla niyang nakasalubong ang babaeng doktor na minsang ipinagparinig sa kanya ng kanyang biyenan—si Sheena. At kasama nito si Bricks, ang kanyang dating asawa.

Nakita niya kung paanong hinalikan ni Bricks si Sheena sa noo, habang sinasabing, “Subukan pa natin. Baka this time, magka-anak na tayo.” palabas Sila sa pinto Ng OB

Parang sinaksak muli ang kanyang puso—ngunit hindi na siya umiyak. Sa halip, ngumiti siya.

Nagkasalubong ang kanilang mga mata. Napansin nila ang malaking tiyan ni Samantha.

"Hi Sam!", biglang baling sa kanila ng OB na kapatid ni Frank "oy,wait Doc Sheena, natatandaan mo pa ba Ang kapatid ko? si Frank, Frank this is Bricks Asawa ni Doc.. and of course Ang maganda kung bayaw, Ang baby..hmm... Excited Ng lumabad?

Nag kamay SI Bricks at Frank pati nadin so Sheena

"I know them" saad ni Sam.. naangiti at napahimas sa tyan

At biglang may tumawag sa likod, "Bricks naghihintay na kami Ng papa mo"

Pag lingon nya ay Ang kanyang mga dating byanan

NAGULAT Sila at may pagtataka sa nakita, at tumigil Ang mga mata sa kanyang malaking tyan

"Sam?" Sabi Ng tatay ni bricks

"Magkakilala pala kayo?” tanong ng OB na kapatid ni Frank.

“Oo,” sagot ni Samantha, ngunit hindi na niya natapos ang sasabihin.

Biglang sumakit ang kanyang tiyan.

“Pumutok na ang panubigan! Manganganak na siya!” sigaw ng doktor.

Nataranta ang lahat.

Habang si Samantha ay isinugod sa emergency room, naiwan sa labas sina Bricks, Sheena, at ang mga dating biyenan—tulala, puno ng gulat, panlulumo, inggit, at pagsisisi.

Ilang oras ang lumipas.

Lumabas ang doktor, may ngiti sa labi.

“Congratulations. Malusog ang sanggol.”

Hawak ni Samantha ang isang malusog na batang lalaki. Dumating si Frank, may dalang mga rosas, at buong lambing na hinalikan siya sa noo.

“Welcome to the world, Frank Jr.,” bulong niya.

Sa huli, naiwan sa alaala ng lahat ang masayang ngiti ng mag-asawa—patunay na ang bawat sakit ay may kapalit na bagong simula.

18/01/2026

Sa Huling Sandali ng Paniniwala

Matagal nang may manliligaw si Mara—si Adrian. Tahimik, maalaga, at laging nariyan sa mga sandaling kailangan niya ng kausap. Hindi siya perpekto, pero sa bawat oras na magkasama sila, ramdam ni Mara ang sinseridad nito. Handa na sana siyang sumagot.

Ang tanging humahawak sa kanya ay takot—takot na muling masaktan.

At ang taong palagi niyang nilalapitan para sa payo ay ang matalik niyang kaibigan na si Eunice.

Isang gabi, habang magkasama sila sa paborito nilang café, napansin ni Mara ang kakaibang kilos ni Eunice. Palaging hawak ang cellphone, palaging nakangiti sa screen. Hindi niya iyon pinansin—hanggang sa magpaalam si Eunice at naiwan ang cellphone sa mesa.

Isang notification ang umilaw.

Adrian: “Mamaya na ulit. Maghinala na siya.”

Parang tinusok ang dibdib ni Mara. Nanginginig ang kamay niyang kinuha ang cellphone. Isang mensahe pa. Isang larawan—si Adrian at si Eunice, magkahawak-kamay.

Hindi na siya nag-isip. Tinawagan niya agad si Adrian.

“Nasan ka?” tanong niya, pilit kinakalma ang boses.

“Sa bahay,” sagot nito. “Pagod lang.”

“Talaga?” mahinang sagot ni Mara. “Kasi hawak ko yung cellphone ni Eunice.”

May katahimikan sa kabilang linya.

“Mara… pwedeng magpaliwanag—”

“Magpaliwanag ka sa harap ko,” putol niya. “Ngayon.”

Nagkita sila sa isang madilim na parking lot. Dumating si Adrian, kasunod si Eunice. Parehong tahimik. Parehong iwas ang tingin.

“Gaano na katagal?” tanong ni Mara, diretso, walang sigaw pero may bigat.

Hindi agad sumagot si Eunice. Nanginginig ang labi niya.
“Hindi namin sinasadya,” mahinang sabi nito.

“Hindi sinasadya?” tumaas ang boses ni Mara. “Ilang beses kayong nagkita? Ilang beses kayong nagsinungaling sa’kin?”

Tumahimik si Adrian. Yumuko.
“Mahal kita, Mara,” sabi niya. “Nagkamali lang ako.”

Napatawa si Mara—mapait, puno ng sakit.
“Mahal mo ako? Habang ako ang pinupuntahan mo kapag gusto mong magmukhang mabuting tao, siya naman ang sinasandalan mo sa likod ko?”

Humakbang siya palapit kay Eunice.
“Alam mo bang balak na kitang sagutin?” nangingilid ang luha niya. “Ikaw ang unang nakakaalam. Ikaw ang nakarinig ng lahat ng takot ko. Tapos ikaw rin pala ang sisira sa akin?”

Umiyak si Eunice.
“Hindi ko ginusto, Mara. Nahulog lang—”

“Hindi ka nahulog,” putol ni Mara. “Pinili mo.”

Tahimik ang paligid. Tanging iyak ni Eunice at mabigat na paghinga ni Adrian ang maririnig.

Sa huli, tumalikod si Mara.

“Hindi ako galit,” mahina niyang sabi. “Pero tapos na.”

Iniwan niya silang dalawa roon—hindi bilang talunan, kundi bilang isang babaeng piniling igalang ang sarili kahit masakit.

At sa paglakad niya palayo, alam niyang may mga sugat na matagal maghilom—ngunit may dignidad na hindi kailanman maaagaw.

Hindi Lang Isang Plain na HOUSEWIFEMatagal nang nagtatrabaho si Daniel sa bangko. Kilala siya bilang masipag, responsabl...
18/01/2026

Hindi Lang Isang Plain na HOUSEWIFE

Matagal nang nagtatrabaho si Daniel sa bangko. Kilala siya bilang masipag, responsable, at may malinaw na kinabukasan. Sa loob ng maraming taon, iisa lang ang tingin niya sa kanyang asawa—si Ana—isang tahimik, plain na maybahay. Mahusay sa gawaing-bahay, maalaga sa mga bata, ngunit sa isip niya, doon na lang umiikot ang mundo nito.

Minsan, hindi niya namamalayan na may bahagyang pagmamaliit na siyang nadarama.

Dumating ang inaabangang Christmas party ng bangko—isang engrandeng pagtitipon na dinaluhan ng mga empleyado at kanilang pamilya. Medyo kabado si Daniel habang hinihintay si Ana sa loob ng sasakyan.

Ngunit nang bumaba ito—

Napahinto siya.

Simple ngunit elegante ang suot ni Ana. Walang alahas na labis, walang makapal na kolorete—ngunit ang dating ay kakaiba. May kumpiyansa sa bawat hakbang, may dignidad sa bawat kilos. Maayos ding nakaayos ang kanilang mga anak.

“Ah… ang ganda mo,” nasabi ni Daniel, bahagyang nagulat.

Ngumiti lang si Ana, gaya ng dati.

Sa loob ng bangko, sinalubong sila ng boss ni Daniel—isang lalaking kilala sa pagiging istrikto at mapanuri.

“So this is your wife?” tanong ng boss, sabay tingin mula ulo hanggang paa kay Ana.

“Yes, sir,” sagot ni Daniel. “My wife, Ana.”

Hindi pa nakakapagsalita si Ana nang may biglang sumingit.

Isang babaeng elegante rin ang bihis, kapansin-pansin ang tikas at pilit na ngiting may halong panunukat. Isa ito sa mga senior staff—si Melissa—na matagal nang may lihim na paghanga kay Daniel.

“Oh, you’re the wife,” sabi ni Melissa, bahagyang tinaasan ang kilay. “Daniel always talks about work… not much about home.”

May bahid ng pangmamaliit ang tono.

Ngumiti lang si Ana, tahimik pa rin.

Biglang nagsalita ang boss.
“So, Ana… what do you do?” diretsong tanong nito.

Bago pa makasagot si Daniel, mabilis na dumugtong si Melissa.
“She’s a housewife, sir. Full-time,” diin niya sa huling salita. “That must be… fulfilling.”

May ilang nakarinig ang napangiti, may ilang nagpalitan ng tingin.

“Is that so?” sabi ng boss, bahagyang ngumiti. “That’s a hard job, but I imagine it keeps you very busy.”

Muling sumingit si Melissa, tila may balak.
“Oh, sir,” kunwari’y inosente, “maybe Ana can tell us how she manages everything. In English, perhaps? Since this is an international bank.”

May mahinang halakhakan sa paligid.

Napalingon si Daniel kay Ana. Bahagyang kinabahan siya. Sa isip niya, baka mailang ito, baka mapahiya.

Ngunit sa unang pagkakataon—si Ana ang tumingin sa kanya nang may kumpiyansa.

Tumuwid siya, saka humarap sa boss.

“Well,” mahinahon niyang panimula, malinaw ang bigkas, walang kaba,
“being a full-time mother and homemaker requires discipline, emotional intelligence, and adaptability. Managing a household is very similar to managing an organization—except the stakes are personal, and the responsibility never ends.”

Tahimik ang paligid.

Nagpatuloy siya.
“I handle budgeting, scheduling, conflict resolution, and long-term planning—every single day. I simply chose to apply my skills at home.”

Napamulagat ang boss.
“That’s… very well said,” sambit nito.

Napatameme si Melissa. Wala siyang maisagot.

Ngumiti si Ana at idinugtong, may bahagyang diin ngunit magalang:
“And yes, I’m very fulfilled. Because success isn’t always measured by titles—but by purpose.”

Tumango ang boss.
“Daniel,” sabi nito, “you’re very lucky.”

Hindi makapagsalita si Daniel. Para bang ngayon lang niya tunay na nakita ang asawa niya.

Ngunit bago pa tuluyang humupa ang tensyon—

BANG!

Isang putok ang umalingawngaw. Nagsigawan ang mga tao. Pumasok ang mga armadong lalaki—mga magnanakaw.

Nagkagulo ang lahat.

Agad hinila ni Daniel ang mga anak. Nanginginig ang kamay niya. Ngunit si Ana—

Kalmado.

“Daniel,” mahinang sabi niya, “protect the kids.”

“Ana—” hindi niya na natapos.

Sa isang iglap, gumalaw si Ana.

Nang lapitan sila ng isang tulisan, mabilis niyang hinablot ang pulso nito, pinaikot ang katawan, at isang malinis na siko sa dibdib ang tumama. Bumagsak ang lalaki.

Isa pa ang umatake—gumulong si Ana sa sahig, sinipa ang tuhod, inagaw ang baril, at itinulak palayo. Ang kilos ay eksakto—parang James Bond ang tikas, parang Lara Croft ang tapang.

Tumalon siya sa mesa, ginamit ang momentum, at pinabagsak ang huling magnanakaw.

Tahimik ang buong bangko.

Ang boss, si Melissa, si Daniel—lahat ay nakatitig.

Lumapit si Daniel, nanginginig.
“Hindi ko alam…” mahina niyang sabi.

Ngumiti si Ana, banayad, pamilyar.
“Hinding-hindi mo kasi tinanong.”

Sa gabing iyon, natutunan ni Daniel ang isang katotohanan:

Hindi lahat ng tahimik ay mahina.
Hindi lahat ng maybahay ay plain.

At minsan, ang babaeng minamaliit ng lahat—ang siya palang pinakadelikadong maliitin.

Si Daniel, habang hawak ang kamay ni Ana, bahagyang ngumiti at napailing.
“I like it,” bulong niya, punong-puno ng paghanga at pagmamahal.

At sa gabing iyon, alam niyang sa likod ng simpleng mukha, may lakas, tapang, at talino na hindi niya kailanman inakala.

31/08/2025

🌸 “Just because I choose to be good doesn’t mean I’m being fake. I was simply raised to value proper manners and respect.”

Work Qoutes
30/08/2025

Work Qoutes

29/08/2025

Address

Panay
9509

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RandomKowts posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share