Pilipinas Radyo

Pilipinas Radyo Anong Ganap?

Nominado ang Pilipinas bilang isa sa mga “Most Desirable Country” sa buong mundo para sa 24th Wanderlust Reader Travel A...
20/07/2025

Nominado ang Pilipinas bilang isa sa mga “Most Desirable Country” sa buong mundo para sa 24th Wanderlust Reader Travel Awards, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Nanawagan naman si DOT Sec. Christina Garcia Frasco sa publiko na tulungan ang bansa na manalo sa awarding ceremony na isinasagawa ng UK-based travel magazine na Wanderlust.

Bukod sa nasabing award, posible ding manalo ang Pilipinas sa iba pang subcategory tulad ng Culture and Heritage, Nature and Wildlife, Adventure, Gastronomy, at Sustainability.

Samantala, bukas ang botohan para sa Wanderlust Reader Travel Awards hanggang Oktubre 27, at gaganapin ang awarding ceremony sa Nobyembre 5 sa National Gallery sa London.


Ito ang inihayag ng content creator na si Doc Adam sa kanyang page noong Hulyo 13, tungkol sa diumano’y pang-aa...
20/07/2025

Ito ang inihayag ng content creator na si Doc Adam sa kanyang page noong Hulyo 13, tungkol sa diumano’y pang-aaway sa kanya ng ilang tao matapos niyang ma-scam.

“Kung inaaway mo ako dahil puti ako, at pinagtatanggol mo ang scammer dahil “Pinoy ‘yan” — then let’s be honest: that’s not patriotism, that’s stupidity wrapped in pride. Scam pa rin ang scam kahit kulay kayumanggi. And calling out lies isn’t racism — it’s integrity,” aniya.

“If your loyalty is to the scammer just because they’re Filipino, then you’re part of the problem I’m trying to fix,” dagdag pa ni Doc Adam.


When I forget my worth, remind me I am Yours.My identity is not in what I do or what others say, but in being a beloved ...
19/07/2025

When I forget my worth, remind me I am Yours.

My identity is not in what I do or what others say, but in being a beloved child of God.

Amen.


Hindi maglalabas ng official photos ang mga abogado ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpapakita ng aktuwal na...
19/07/2025

Hindi maglalabas ng official photos ang mga abogado ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpapakita ng aktuwal na kondisyon niya habang nasa loob ng custodial center ng International Criminal Court (ICC) sa Scheveningen, ayon kay Vice President Sara Duterte sa panayam sa The Hague, Netherlands noong Biyernes, Hulyo 18.

Binatikos din ni VP Sara ang mga kumakalat ng larawan sa social media na nilikha sa pamamagitan ng artificial intelligence (AI) kung saan ipinakita na halos buto’t balat na ang kanyang ama.

Sa kabila nito, sinabi ng bise presidente na malaki ang nabawas sa timbang ng dating pangulo dahil hindi nabibigyan ng kanyang mga paboritong lutuin dahil ipinagbabawal sa loob ng pasilidad.







Kinumpirma ni House spokesperson Atty. Princess Abante na sumunod ang Kamara sa kautusan ng Korte Suprema na magsumite a...
19/07/2025

Kinumpirma ni House spokesperson Atty. Princess Abante na sumunod ang Kamara sa kautusan ng Korte Suprema na magsumite ang Kongreso ng mga impormasyon at dokumentong kanilang sinumpaan kaugnay sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Abante ngayong Sabado, Hulyo 19, na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) ang “required compliance” sa pamamagitan ng Philippine Judiciary Portal.

Pormal naman na isusumite ang “physical copy” nito sa Korte Suprema sa darating na Lunes, Hulyo 21.

Ipinaliwanag din ni Abante na ang naunang tatlong impeachment complaints ay bahagi sa Order of Business ng Kamara sa loob ng 10-session-days, alinsunod sa nakasaad sa Konstitusyon.

Iginiit din ng Kamara sa isinumiteng compliance ang “exclusive authority over internal deliberative matters, anchor on the principle of separation of powers.”

Dagdag pa ng House spokesperson, wala umanong “constitutional requirement” na nagsasabing kailangang suriin muna ng mga miyembro ng Kamara ang naturang complaint bago ito pirmahan, “nor is there any basis for questioning their certification under oath that they studied… the charges and supporting documents.”











Ayon sa CBS, kinansela nila ang late night talk show ng American TV host na si Stephen Colbert na pinamagatang “The Late...
19/07/2025

Ayon sa CBS, kinansela nila ang late night talk show ng American TV host na si Stephen Colbert na pinamagatang “The Late Show With Stephen Colbert” dahil sa financial problems, at hindi dahil sa content nito.

“Next year will be our last season. … It’s the end of ‘The Late Show’ on CBS. I’m not being replaced. This is all just going away,” saad ng TV host.

Kinansela ang naturang palabas tatlong araw matapos punahin ni Colbert ang settlement sa pagitan ni US President Donald Trump at ng Paramount Global, parent company ng CBS, dahil sa “60 minutes” story.

Samantala, sinabi ni Trump na “I absolutely love” na sinibak na sa trabaho ang TV host.

Binatikos din niya ang ibang late-night hosts tulad nina Jimmy Kimmel at Greg Gutfeld.



Ayon sa report ng Philippine Coast Guard (PCG), naaresto ang suspek nang tumakbo sa secured perimeter ng EDSA Carousel B...
19/07/2025

Ayon sa report ng Philippine Coast Guard (PCG), naaresto ang suspek nang tumakbo sa secured perimeter ng EDSA Carousel Bus Station sa Taft Avenue habang bitbit ang pekete na kanyang tinangay mula sa delivery rider.

Kabilang sa umaresto sa suspek ay mga tauhan ng PCG na sina SN Philip Rodelle Sagoso at ASN John Carlo Magbojos, kasama ang mga personnel ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) at Philippine National Police (PNP) na nagbabantay sa lugar.

“Prioritizing commuter safety, the PCG-SAICT enforcers immediately restrained the individual and performed a comprehensive body search to mitigate any threats to the riding public,” ayon sa ulat ng PCG.

Nang imbestigahan, itinuro ng suspek ang kanyang kakutsaba sa pagnanakaw ng kalakal sa mga delivery rider na naaresto rin sa isinagawang follow up operation ng mga awtoridad. (Photo courtesy of Philippine Coast Guard)


Nagsagawa ang Manila local government units (LGUs) ng declogging operation sa UN Avenue at Taft Avenue ngayong Sabado, H...
19/07/2025

Nagsagawa ang Manila local government units (LGUs) ng declogging operation sa UN Avenue at Taft Avenue ngayong Sabado, Hulyo 19, upang maiwasan ang pagbaha dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong “Crising” at Habagat.

Courtesy: Manila City Government/Facebook



Buong suporta ang inihayag ni Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez para sa paglulunsad ng Bagong Pilipinas eGovPH...
19/07/2025

Buong suporta ang inihayag ni Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez para sa paglulunsad ng Bagong Pilipinas eGovPH Serbisyo Hub, bilang inisyatibo ng administrasyong Marcos Jr. na gawing mas mabilis, mas madali, at mas accessible ang mga transaction ng publiko sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Rep. Romualdez, sinusuportahan ng eGovPH Serbisyo Hub ang mas pinahusay na eGovPH Super App bilang mas pinahusay na mobile application na nagsasama-sama ng iba't ibang serbisyo ng gobyerno para mabawasan ang pangangailangang personal na pumunta pa sa mga tanggapan.

Dagdag niya, ang bawat Pilipino, anuman ang estado sa buhay, ay nararapat na makakuha ng mahusay at maayos na serbisyo mula sa pamahalaan.

“This is how we bring our government closer to the people - not with long lines, hours of waiting, and red tape, but with real solutions that they see, feel, and benefit from,” sabi ni Rep. Romualdez.


Gaganapin ang ika-8 Entertainment Editors’ Choice (EDDYS) sa Ceremonial Hall sa Marriott Grand Ballroom sa Newport World...
19/07/2025

Gaganapin ang ika-8 Entertainment Editors’ Choice (EDDYS) sa Ceremonial Hall sa Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts sa Linggo, Hulyo 20.

Hihirangin bilang 'Box Office Hero' ang mga artistang naging bahagi ng mga pelikula na nakamit ang “remarkable commercial success” kabilang sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa kanilang pelikulang “Hello, Love, Again” na nakakuha ng record-breaking na P1.6 na bilyong box office-hit.

Kikilalanin din ang si Vice Ganda para sa pagbibida niya sa pelikulang “And the Breadwinner Is…” na nakakuha naman ng P460 milyon na box office, pati sina Joshua Garcia at Julia Barretto na nagtambal sa kanilang pelikulang “Un/Happy for You”, sina Vic Sotto at Piolo Pascual na bumida sa “The Kingdom”, at sina Dennis Trillo at Ruru Madrid na bumida naman sa “Green Bones”.

Magbibigay pugay din ang naturang event sa mga beteranong aktor na sina Laurice Guillen, Odette Khan, Perla Bautista, Rosemarie Gil, Eddie Mesa, Pen Medina, at National Artist for Film na si Kidlat Tahimik—bilang mga “Movie Icons” para sa pagkilala sa kanilang “dedication and lasting contributions” sa industriya.


Sinimulan na ng mga bangko sa Pilipinas na ipatupad ang 20 porsyentong interest income tax sa lahat ng deposit products,...
19/07/2025

Sinimulan na ng mga bangko sa Pilipinas na ipatupad ang 20 porsyentong interest income tax sa lahat ng deposit products, alinsunod sa Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA) na isinabatas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Mayo 2025.

Inulan naman ng pambabatikos si Department of Finance (DOF) Sec. Ralph Recto matapos niya itong ipatupad bagama’t hindi siya ang may-akda ng naturang batas.

Ayon sa pahayag na inilabas ng DOF, pinapantay umano ng naturang batas ang interest income tax sa 20 porsyento “to simplify compliance, eliminate confusion, and ultimately level the playing field for all Filipinos.”

Ine-empower din umano ng CMEPA ang mga Pilipino na mag-invest sa stock exchange at palawakin ang kanilang sources of income dahil binabawasan umano ng batas ang stock transaction tax (STT) rate mula 0.6 na porsyento hanggang 0.1 porsyento.

Nananatili naman umanong tax-free ang mga savings at investments sa Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), at Pag-IBIG (kabilang ang MP2).

Samantala, matatandaan na binansagan si Recto bilang “Mr. e-VAT” noong siya ay senador dahil sa kanyang pagsulong ng Expanded Value-Added Tax Act of 2005 o e-VAT Law na nagpataw ng 12 porsyentong tax sa mga commodities tulad ng petrolyo, kuryente, at mga serbisyo.





SO CUTE NAMAN, MARIS AT JOSHUA 😍Nag-repost ang ‘Sunshine’ lead star na si Maris Racal sa kanyang Instagram ng video kasa...
19/07/2025

SO CUTE NAMAN, MARIS AT JOSHUA 😍

Nag-repost ang ‘Sunshine’ lead star na si Maris Racal sa kanyang Instagram ng video kasama ang aktor na si Joshua Garcia.

Makikita sa video ang dalawang artista na looking cute at wholesome habang naka-pose sa camera.

(📸: mariesteller, starmagic_deejaye/Instagram)



Address

Panay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pilipinas Radyo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share