20/07/2025
Kung sino yung madalas i-tsismis ay napapansin ko na maraming blessing, may peace of mind at masaya. Yung madalas naman gumagawa ng tsismis ay hindi masaya, tamang hinala at nilalayuan ng tao unti-unti. Tamang hinala sila kasi iniisip nila na baka sinabi mo ang sinabi nila sa iyo. Kasi dami nilang hanash sa buhay. Kapag nag-post ka tungkol sa karma ay sisitahin ka agad nila kung sila ba ang pinasasaringan mo. Yan na nga ba ang sinasabi ko, sa dami nilang sinabi na negative sa kapwa ay sila pa ang may lakas ng loob na mag-isip ng mga negatibo na bagay sa iyo. Bakit kaya may ganung uri ng nilalang. Kaya naman unti-unti ay nilalayuan sila dahil sa kakaibang attitude na napapansin ng karamihan. Sabi nga ng ibang tao ay mahirap ma-involve sa magulong sitwasyon kung saan pilit na sinasama ka sa eksena na sila din naman ang lumikha ng gusot. Tapos sila pa ang may negatibo na komento laban sa iyo dahil nilalayuan mo sila. Ikaw pa ang lalabas na kontrabida sa gusot na sila din ang lumikha ng lahat ng mga ito. Kapag nag-post ka ng isang sitwasyon na hango din naman sa post na nabasa mo ay sasabihin ng isang chikadora sa kaibigan nya, "Alam ko ako ang tinutukoy nya." Ayan tayo eh tamang hinala to the max. Hahaha. Mainam na solusyon, dapat manahimik na lang. Hindi yung lahat ng bagay ay napapansin sa mga taong kung tutuosin ay mas maràming achievement kesa sa kanila. Nakikisalamuha ka lang naman sa kanila dahil nais mong malibang, may problema, stress o bored ka. Ang mga chismakerz naman ay bibigyan lahat ng negatibo na interpretasyon lahat ng maliliit na pagkakamali mo. Sa palagay ko nais nila na mapasama ka sa mata ng iba kaya unti-unti ay gumagawa sila ng kwento na base sa kanilang mapaglarong imahinasyon at obserbasyon para lamang malaman ng iba ang mga bagay na nakakatawa sa iyo dahil nagkamali ka, dahil may negatibo ka na reaksyon sa attitude ng isang tao na kinukwento nila na negatibo din naman at kapag hindi naaayon sa kagustuhan nila ang sinasabi mo ay issue din sa kanila. Hahaha saan ka lulugar sa ganung uri ng tao. Kaya para walang gulo ay lumayo ka na lang sa kanila unti-unti dahil nakakaumay at aksaya pa ng oras ang makisalamuha sa kanila. Kaya dapat mapili tayo sa pakikisamahan natin. May mga tao na hindi masaya ang buhay, galit sa mundo at magulo ang isip. Marahil ay gusto din nila na hindi ka masaya. Kaya lumilikha sila ng mga naratibo kung saan negatibo ang nilalaman nito. Para lang maiba ang tingin sa iyo ng tao. Sa halip na magbitiw sila ng masasakit na salita o gumawa ng kwento para lamang umiba ang paningin ng tao sa iyo, dapat nagdarasal na lang sila na mataimtiman kesa naghahasik sila ng p**t at galit sa mga nakakasalamuha nila.
Pakatatandaan lahat ng bagay na ginagawa ng isang tao ay may katumbas na gaba o balik ng tadhana sa takdang panahon. Siraan mo man ang isa o ibang tao ay hindi kà magwawagi dahil marami silang nagawa na kabutihan sa mga taong nakasalamuha at nakakasalamuha nila. Hinding-hindi ka magwawagi sa binabalak mo na gawing hindi maganda ang imahe nila sa mata ng karamihan. Sorry ka, hindi ka mananalo dahil matalino ang tao. Alam nila kung sino ang papanigan o kakaibiganin nila. Kaya ako kapag marami sinasabi ang isang tao na negatibo ay lumalayo ako unti-unti para hindi na makakaapekto sa aking isip. Ayaw ko sila dahil naka-focus sila sa mga magiging mali mo habang kasama mo sila.
Batu-bato sa langit ang tamaan at huwag magagalit.
"Less talk, less mistakes."