01/11/2025
"Dating matalino"
Paano kung sa huli hindi naako aakyat sa intablado?
Paano kung hindi na ako ang dakilang panalo?
Paano kung hindi na ako ang dating matalino?
Paano kung gaya nyo'y nahihirapan narin ako?
Satingin ko'y normal lang ang may pagbabago,
lumalaki, tumatanda, humihina tayo,
Subalit hindi ganitong pagbabago,
Ang nais kong mangyayari sa'kin dito,
Dahil imbis na mas gumaling at tumalino,
Tila unti unting humihina ang pag iisip ko,
Para bang wala ng saysay ang bawat segundo,
Nakahiga't nakatingin nalang sa kisame ng aking kwarto,
Hindi ba nakakapag taka?
Ang dating kasamang tumatanggap ng gantimpala,
Ngayon ay nannonood at pumapalakpak nalang sa madla,
Ni wala nang natatanggap na sertipiko't medalya,
Tila ba ang dating matalino sa paningin nila,
Unti unting naglalaho ang kinam na dala dala.....
By: ALENROSE ALVAREZ(AKIRA)
⚠^-^-^-^-^-^-^-^-^-^-^-^-^-^-^⚠
| PLAGIARISM IS A CRIME |
| OPEN FOR CRITICISM |
⚠^-^-^-^-^-^-^-^-^-^-^-^-^-^-^⚠
note: photo not mine