24/09/2025
Pilipinas Beats Korea! ๐ต๐ญ
Tinalo ng Pinas u16 via buzzer be**er ni Tiffany Reyes ang South Korea, 77-75 sa Division A ng 2025 FIBA U16 Women's Asia Cup sa Malaysia!
Lamang ang team sa dulo ng 1st quarter 17-15 at umabot pa sa 10 points ang lamang ng Gilas bago makahabol sa dulo ng 2nd quarter ang Korea. Natapos ang half sa dikit na 37-38. Dikit ang naging laban ng dalawang teams at sa dulo ng 3rd ay lamang ng 1 point ang Korea 57-56.
Sa 4th quarter ay magandang depensa at outside shooting ang ipinakita ng Pilipinas at umabot pa sa 9 point lead 69-60 with 6:36 remaining sa quarter.
Humabol ang Korea at dumikit sa Gilas. 73-all pa ang score with less than 30seconds remaining bago ang heart-stopping dagger ni Tiffany na nagcecelebrate ng kanyang 15th birthday rin ngayong araw.
Pinangunahan ang team nina Ella Smith with 21 points, 7 rebounds, 4 assists, Tiffany Reyes with 16 points, 3 rebounds, 2 blocks, 1 steal, 4/10 from deep at Ruiza Olmos with 12 points, 7 rebounds at 1 steal at Makena Ramos with 6 points, 8 rebounds, 3 assists at 2 steals.
Makakaharap ng Gilas ang runner-up ng Group B sa September 26 for qualification to semifinals.
Congratulations, Gilas Womens Youth!
ctto: