Abigail Moral

Directions Contact the business

Abigail Moral Isaiah 60:22 ✨

03/10/2026

Road to 1M views! 😱🤯

Sabi ko ayoko na magvlog, nakakapressure kasi. Pero kapag nakikita ko 'to, naiinspire ulit ako. What if? Balik tayo? Regular mini vlogs at long vids? 🤔

Papa's home!! 🤍🥺After a month sa hospital — a month of hope and prayers. A month of courage. A month of love and care. N...
01/09/2026

Papa's home!! 🤍🥺

After a month sa hospital — a month of hope and prayers. A month of courage. A month of love and care. Nasurvive niya ang operation kahit high risk. This is not yet the end of his battle, marami pang check-up pero knowing na maraming nagdarasal at nagmamahal sa kaniya, kampante kaming ipapanalo niya 'to! 🤍

As a Papa's girl, this is the hardest, so far. Never kasi kami pinalo nyan. Never kaming sinigawan. Never nagalit. Kahit sa pinakamalaking pagkakamali naming mga anak nila, never niyang ipinamukha sa amin na nagkulang kami. Kaya 'yong ilang araw na puyat at pagod naming magkakapatid sa buong hospital journey ay wala pa sa sangkapat na bahagi ng pagmamahal niya sa amin.

I want to take this moment para magpasalamat sa lahat ng nagbahagi ng kanilang tulong — spiritually & financially. Hindi na po namin kayo maisa-isa, pero 'yong puso namin, alam na alam kung sino kayo 🥺 Sa mga bumisita, sa mga araw-araw nangungumusta, sa mga yumakap, sa mga nagparamdam ng pagmamahal, sa mga umunawa, maraming maraming salamat po. I'm praying for each and everyone na naging parte ng journey ni Papa, napakabuti po ng puso niyo 🥺❤️

Palaging sinasabi ni Papa habang umiiyak: "Pasalamatan mo sila ha, ipagdasal mo sila 'nak", kahit nasa gitna po siya ng sakit hindi po siya nakalimot na magpasalamat po sa inyo ✨

Salamat din po sa mga doctors & nurses ng Region 1 Medical Center (Annex) na napakabubuti at napakahaba ng pasensya para kay Papa ✨

Please continue po to include him on your prayers. Maraming salamat po 🙏😇

01/09/2026

They are construction workers sa on going na road widening dito sa amin. Madalas ding bumili sa tindahan ever since nag-start 'yong project. This morning, bibili sana sila ng tinapay kasi hindi pa raw sila nag-agahan eh 9AM na. Hanggang sa nagdecide sila na cup noodles na lang pero problemado sila dahil wala silang mainit na tubig sa barracks. I offered na magpainit na lang ako ng tubig for them.

"Wala bang dagdag bayad Ma'am? Last na kasi 'tong budget namin, pinagkakasya na lang"

"Ay wala po, Sir. Hayaan niyo na."

Then, itong si asawa ko, nanonood pala sa CCTV. Kaya nagpainit agad siya ng tubig kasi naririnig din niya. Sakto, nag-aagahan pa lang din kami, dinagdagan na namin ng kanin at ulam kasi alam naming mag-asawa kung gaano kahirap maging construction worker kasi naging trabaho rin niya dati 'yan ❤️

This is not bragging. Baka sakali lang magkaroon ng domino effect at magawa rin nang mas maraming tao ❤️

We are not perfect, hindi kami ang pinakamabuti. Pero nasa punto kami ng buhay namin na kahit walang-wala rin kami, kung kaya naming tumulong, tutulong. ✨

🚨 SCAMMER ALERT 🚨May napadaan na pulang kotse sa tapat ng tindahan namin, bumalik, may bumabang lalaki at nagpapacashout...
17/08/2026

🚨 SCAMMER ALERT 🚨

May napadaan na pulang kotse sa tapat ng tindahan namin, bumalik, may bumabang lalaki at nagpapacashout from GCASH, ₱10k. Pero kako, kulang 'yong cash na hawak ko kasi puro cashout ang transaction ko so far.

Kahit ₱4k lang daw kasi need daw nila ng pera papuntang hospital para bisitahin ang lola niya. Pumayag ako sabi ko, i-scan na lang 'yong QR code para hindi magkamali sa number. Sabi niya sa Maya na lang daw dahil doon manggagaling ang pera niya para wala nang additional charge, since may Maya ako nag-agree rin ako but pinilit ko rin na i-scan na lang ang QR ko sa Maya. Pero mapilit siya na number daw ang idictate ko. So, dinictate ko.

In-input niya 'yong number ko, nagsend at ipinakita sa akin. Seconds after niya i-input 'yong number ko sa Maya, biglang nag-logout ng kusa 'yong account ko at hindi ko na maopen for like 10 minutes.

Pinipilit niya na nasend na raw at ipinakita niya sa akin 'yong transaction. Hindi ako nagpatinag. Sabi ko hintayin niyang maopen ko ulit 'yong Maya para makita mismo kung may pumasok na pera. Usually kasi kapag may narereceive akong pera, may notification. Dito, nagtataka ako kasi wala talagang SMS na dumating na may nareceive na pera ang Maya account ko.

10 mins. to 15 mins. siyang naghintay — sabi ko, "Pambili kasi ng gamot ng Tatay ko 'to, hindi ko pwedeng ibigay agad kailangan ko munang makita na may pumasok na pera". Sakto rin, pagkatapos kong sabihin 'yan, naayos ko 'yong Maya ko at nakalog-in ulit. And guess what? WALANG DUMATING NA PERA!

No'ng nakita niya na naopen ko na ulit 'yong Maya account ko after ko ayusin, bigla na lang siyang nagsabi na "Sige, baka may glitch lang. Pakibalik na lang sa number ko 'yong pera kapag may pumasok sa account mo" — tapos dali-dali siyang sumakay sa kotse at binarurutan paalis! Sinong tang* ang papayag sa ganyan?!

LIKE, WHAT?! MUNTIK NA AKO DO'N!! BUTI NA LANG NAGING KALMADO AKO AT PINAKIRAMDAMAN KO SIYA! KASI KUNG NAGKATAON, LIMAS ANG ₱4k NA PAMBILI NG GAMOT NG TATAY KO!

Hindi mo talaga alam kelan ka susubukin ng mga taong hindi lumalaban nang patas!

Sa mga katulad kong may tindahan, lalo sa mga nagpapa-cash out at cash in, maging maingat at matalino po tayo! Please!

Read niyo caption bawat picture 👇🏻

Morning update ✨I'm doing this para po sa mga nagtatanong, sa mga halos araw-araw ay nagchachat sa akin at 'di ko na po ...
12/08/2026

Morning update ✨
I'm doing this para po sa mga nagtatanong, sa mga halos araw-araw ay nagchachat sa akin at 'di ko na po narereply'an isa-isa.

Hindi po natuloy ang operation ni Papa kahapon. No'ng kukunin na sana siya at ipupunta sa
operating room, biglang bumagsak ang oxygen level niya to 70. Good thing, ayaw rin ng mga doctor niya na irisk siya para lang matapos na ang operasyon — ang iniiwasan kasi nila, matubuhan siya.

Under observation siya for 2 days. So far kahapon, normal na ulit ang oxygen level niya, umaabot na ng 94-96. Kapag okay na siya today, baka bukas siya isalang sa operation. ❤️

Please continue including him on your prayers po. Higit sa ano man, ang panalangin ang pinakamainam na sandata ng Tatay ko ngayon. Salamat po sa mga nagmamahal sa kaniya — napatunayan kong mabuti talaga siyang tao. 🥺❤️

Schedule ng operation tomorrow ni Papa.Actually, pagkarating pa lang namin sa hospital nagsuggest na ng operasyon ang do...
11/08/2026

Schedule ng operation tomorrow ni Papa.

Actually, pagkarating pa lang namin sa hospital nagsuggest na ng operasyon ang doctor niya. Pero, dahil sa malaking operation fee, kinailangan muna naming maghanap at mag-isip ng paraan para matulungan kami. Kahit walang kasiguraduhan kung saan kami kukuha ng pambayad, ibibigay namin lahat.

Salamat sa mga taong patuloy na naghahatid ng tulong — financial, spiritual, emotional. Palagi kong ipinagdarasal na bigyan kayo ng Diyos ng siksik at liglig na pagpapala para makatulong pa kayo sa ibang tao. ✨

Salamat sa mga taong umuunawa at nagbibigay ng konsiderasyon para magampanan ko ang pagiging anak kay Papa — sa workplace ko, sa negosyo at sa pamilya. ❤️

Samahan niyo po sana kaming ipagdasal ang Tatay ko na malagpasan itong dagok sa buhay niya ❤️

Prayer can move mountains! 🙏

11/08/2026

❤️

10/08/2026

Salamat, CIASI (Samahang Ilokano), sa pagtulong po sa paghahanap ng dugo para sa Papa ko 😇✨

10/08/2026

may icebox pero walang ice candy 🤭

hanap ulit tayo ng dugoooo, hindi uso ang pahingaaaa🩸

10/08/2026

hospital diaries 🌸 | grabe ang pagod at hingal kahapon ang daming nangyari 😩

Address

Infanta
Pangasinan
2412

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Abigail Moral posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Abigail Moral:

Shortcuts

Share