18/06/2026
Kailangan talaga maging creative pagdating sa pagkain ng mga kids. 😅
Familiar ba kayo sa gulay na ito—bamboo shoots o labong ang tawag samin? Nalaga na po ito tapos finely chopped para mas madali kainin. Hinaluan ko ng chopped onions at garlic, black pepper, flour, breadcrumbs, pinch of salt, at konting Crispy Fry para mas malasa.
Pagkatapos, shinape ko sa iba’t ibang cute na hugis bago iprito. Ayun, instant bamboo shoot nuggets for Misha! 💕 Nakakatuwang makita na nagustuhan niya kahit gulay ang pangunahing sangkap. Isa na namang mommy win sa pagpapakain ng picky eater! 😍
Kayo mommies, ano ang pinaka-creative na paraan na ginawa ninyo para makakain ng gulay ang inyong mga anak? 😊