09/04/2026
๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐ข๐๐๐๐๐๐ก๐ฆ ๐ฆ๐ ๐ฅ1๐๐!
Taos-pusong pagbati sa ating mga natatanging kampeon na muling nag-uwi ng karangalan at nagbigay-liwanag sa ating paaralan!
โ
โIpinamalas ni Marianne Faye Diclihon ang pambihirang husay at disiplina sa R1AA Taekwondo (Poomsae), na nagbunga ng isang makinang na tagumpay. Gayundin, pinatunayan ni Jayden Charles Asuncion ang talas ng isipan, lalim ng estratehiya, at katatagan sa Standard Chess, kung saan ang bawat galaw ay naging hakbang patungo sa panalo.
โ
โSa kani-kanilang larangan, kapwa sila nagningning bilang Gold Medalists at opisyal na aabante sa Palarong Pambansa 2026, kasama nila sina Maโam Maylene Macadamia at Sir Noel Cabael, ang kanilang mga tagasanay at gabay sa bawat hakbang ng kanilang paghahanda at pag-unlad.
โ
โHindi maitatanggi na ang inyong dedikasyon, sipag, at walang sawang pagpupunyagi, kasama ang gabay at suporta ng inyong mga coach, ay tunay na kahanga-hanga at nagsisilbing inspirasyon sa marami. Sa pagharap ninyo sa mas malaking entablado ng Palarong Pambansa, nawaโy patuloy ninyong dalhin ang dangal, tapang, at puso ng isang tunay na kampeon.
Likhang Graphics ni: Ken Shane
Mga Larawang kuha ni: Hyuri Morano
Caption ni: Cravhen John Doria