31/12/2023
what if yung inaasan mong bagong pag asa bagong simula na darating ngayong bagong taon e hindi matupad maging kabaliktaran pala ng iniisip mo pano kung simula palang pala ng mas mahirap na mga laban simula palang ng mas nakaka pagod na pakikipag laban at pano kung mas mahirap pala ang mga darating na araw para sayo mag papatuloy kapa ba?
hindi man natin aminin, hindi lahat ng bagay na gustohin natin matutupad pero sa kahit anong hirap at bigat ng mga laban na maari nating harapin ngayong bagong taon naway mas maging matibay at matatag ka sanay mas maging malakas at matalino ka dahil hindi man natin alam kung san tayo papunta ang mahalaga sa bawat oras umuusad ka.
walang hangan ang pag unlad ng mga tao wag natin limitahan ang mga kaya nating gawin lahat nag sisimula sa wala.
lahat nag sisimula sa hindi marunong lahat nag sisimula sa hindi kaya pero kapag nasanay kana dun muna makukuha na kaya mo pala na marunong kana tao lang din ang nag lilimita sa kaya nating gawin kaya mag patuloy kalang ganapan lang natin ng may kasamang ngiti ang tinatawag na buhay at sa susunod tayo naman kaya tiwala lang mag tiwala kalang.
MALIGAYANG BAGONG TAON SA LAHAT
KAYA NATIN YAN WALANG HANGAN ANG KAYANG GAWIN NG TAO BASTA MAG PATULOY LANG..