05/06/2026
' among kuripot'
siguro sa tagal ko na nag aabroad masasabi kong hindi kuripot ang tawag sa mga amo dito sa Hongkong ☺️, mas ok siguro sabihin na ' healthty living ang style nila d2' naka sanqyan na kasi nating mga Pilipino na grabe kung kumain, yung kain na tipong parang wala ng bukas 😁, ngayon na nasa idad 40 na ko ayun dun ko lang na realize na sana pala kagaya ng mga amo dito ang naging ha bit natin sa pagkain, 1 pirasong tinapay kape sa umaga, 1 tasang kanin sa tanghali, meat and gulay kalimitan may soup, swerte na rin if kanin uli sa dinner, pero minsan noodles nalang ganun, ang take note di pede ang apaw apaw at malaking plato mo😁, pero kung nakasanayan mo talaga ang pagkain ng kanin 3x a day, meron namang amo na nag bigay ng food allowance or May amo naman na nakaka intindi, pero if gusto mo talaga mag work d2 syempre dapat ikaw ang mag aadjust hindi sila☺️.. Yun lang yan talaga ang Buhay ABROAD 🙏..