15/07/2026
Start na ng school year ni bunso kahapon.
Half day pa lang sila this week, pero proud ako kasi siya na mismo ang nag-prepare ng baon niya. Habang busy ako sa kusina at nag-aalaga kay Lola, quietly stepping up na rin siya.
Pag-uwi niya, siya naman ang bantay kay Lola. Teamwork talaga ang pamilya. ❤️
Minsan, ang totoong milestone ng mga nanay hindi lang honor roll ng anak… kundi yung marinig mo ang, "Ma, ako na." 😂
Hindi man nababawasan ang labada, hugasin, at mga iniisip (parang dumadami pa nga 😅), pero gumagaan ang pakiramdam kapag nakikita mong unti-unti nang nagiging responsable ang mga anak mo.
Thank You, Lord, for giving me helping hands at home. Hindi man nawawala ang pagod, at least hindi na ako ang buong department. 🙏