AJ-JC

AJ-JC Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from AJ-JC, Digital creator, Patalan, Paniqui.

TITLE: HINDI AKO MAKAPUNTA SA INUMAN DAHIL SA ANAK KOAko si Mario, 32 years old, at isa akong simpleng tatay, na mahilig...
17/09/2025

TITLE: HINDI AKO MAKAPUNTA SA INUMAN DAHIL SA ANAK KO

Ako si Mario, 32 years old, at isa akong simpleng tatay, na mahilig makisama sa tropa. Pero simula nang tumuntong sa edad lima ang anak kong si Mika, ay bantay-sarado lagi ako nito sa bahay. Si Mika ay parang batang bersyon ng asawa ko, may pagkamaldita din talaga.

Isang gabi kasi ay nagyaya ang mga kaibigan ko ng inuman. Excited na sana ako, pero biglang tumabi sakin si Mika, habang nagsusuot ako ng tsinelas.

"Papa! Saan ka pupunta?"

"Ha? Ano... may pupuntahan lang si Papa, anak. Sandali lang naman ako at babalik din agad."

Tumaas naman ang isang kilay ni Mika.

" Pupunta ka sa inuman, no?"

"Hindi ah! Kay Kuya Ramon lang, anak. Meeting lang ‘yon."

"Meeting? Eh sabi ni Mama, ang meeting ng mga tatay ay tagayan meeting e!"

Napakamot na nga ako sa ulo ko, dahil hindi ko na alam kung paano ba lulusot sa anak ko.

" Hindi ako iinom, promise, anak."

" Sigurado ka? Pag naamoy ka ni Mama mamaya, yari ka, Papa!"

Irap matang saad ulit nito sakin.

"Isa lang naman sana… isang baso lang, anak."

" Isa lang daw? Papa, sabi ni Mama, pag isa lang, pag-uwi mo parang manok ka na! kokak kokak kokak!”

Natawa na nga ako dahil sa ginawang iyon ng aking anak.

"Anak, hindi manok ‘yon, palaka yon e."

Umiling iling naman si Mika.

"Basta! Bawal kang umalis, dito ka na lang, Papa!"

"Eh ano namang gagawin ko dito?"

Tanong ko na lamang sa anak ko.

"Maglaro tayo ng bahay-bahayan. Ako si Mama, ikaw si Baby."

Ngiting tugon agad nito at muling itinaas ang isang kilay.

"Ha?! Bakit ako ang Baby?"

"Kasi ikaw ang pasaway, Papa!"

Umirap pa talaga ang mga mata ng anak ko matapos akong sabihan na ako raw ay pasaway.

At ayun na nga, imbes na nasa inuman ako kasama ng tropa, nakabalot ako ngayon ng kumot na parang lampin at pinapainom ng gatas, gamit ang chupon ng anak kong limang taong gulang.

Sabi ko sa sarili ko.

“Talagang udlot ang tagay kapag anak mo na ang bantay. Wala kang kawala.

ctto.🥰

31/07/2025

yung makaDiyos ka pero chismosa ka, tawag sayo:

'The Good Samarites'
TAWA MUNA 🤣

Address

Patalan
Paniqui
2308

Telephone

+639810764176

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AJ-JC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to AJ-JC:

Share