Hugot ni Auntie Rhea

Hugot ni Auntie Rhea like And Share�

27/07/2019

Loving you is my happiest pain💔

27/04/2019

"Secret Crush"
Grade 1
Me: "Pakikuha nga Yana"
Her: "Inuutusan mo ko?"
Me: "Shhh, kunin mo nalang"
Grade 2
Me: "Yana, pakopya assignment mo."
Her: "Yoko nga, ano ka? Sineswerte?"
Me: "Shhh, sundin mo nalang
Grade 3
Me: "Psst, pakikuha nga nung tuwalya ko nasa bag."
Her: "Ayo-"
Me: "Shhhh, sumunod ka nalang."
Grade 5
Me "Bigay mo sakin notebook mo."
Her: "Absent ako kahapon, wala akong notes, wala kang makokopya."
Me: "Share mo lang? Bigay mo na, bilis."
Her: "Uggghhh!"
Grade 8
Me: "Tapos ka na sa project?"
Her: "Bahala ka jan! Bat ko naman sasabihin sayo."
Me: "Sagot."
Her: "Argh! Wala pa!"
Grade 10
Me: "Patingin Thesis mo."
Her: "wag ka ngang copy cat! Gumawa ka ng sayo!"
Me: "sumunod ka nalang."
Her: "Ugghh! Ayan oh!"
Grade 11
Her: "Oh ano na naman? Wala na akong maiibibigay sayo! Ubos na lahat!"
Me: "Yana, naaalala mo pa nung grade one?"
Her: "Ano? Yung palagi mo kong inuutusan kunin ang mga nahulog mo everytime na may test?"
Me: "Alam mo ba kung bakit ko ginawa yon?"
Her: "Aba, malay ko sayo."
Me: "palagi kong hinuhulog ang ballpen ko para sa twing kinukuha mo yon, mapapalitan ko ang mali mong answers."
Her: "A-ano?"
Me: "Nung grade two yung palagi akong nangongopya sa assignment mo. Pinapalitan ko answers mo para malaki scores mo kasi alam kong malalagot ka sa mama mo."
Her: "P-paano mo nalaman?"
Me: "Nung grade three nung inuutusan kitang kunin ang towel ko, para yon malagyan ko ng pagkain ang bag mo kasi alam kong wala kang baon nun."
Her: "r-rane."
Me: " Nung grade 5, na halos palagi kang absent dahil sa sakit mo. Palagi kong kinukuha ang notebook mo para macopy ko yung notes namin nung absent ka. Para may aralan ka."
Her: "kaya pala biglang dumami notes ko nun."
Me: "nung grade 8, hahaha, yung project mong puro mali, agad ko yung binarter at iniba ang pangalan. Ang resulta, ang baba ng score ko, sayo best work."
Her: "sabi na eh."
Me: "yung thesis mo, laki ng score mo diba. Hahaha, pinakialam ko kasi laptop mo bago mo yun ipasa. Galing ng grammar ko no."
Her: "kaya pala may di familiar sakin na words dun. Ikaw lang pala. Uy salamat ah!"
Me: "pero walang pinatunguhan ang mga ginawa ko nang sinagot mo yung bestfriend ko."
-Rhea Jovanna Juan

23/04/2019

Ang Lakas Ng Lindol kahapon😵

Dimo ramdam no?
MANHID KA KASE!
Hichuwidadududu

21/04/2019

Isipin mo pre,kilig na kilig ka habang kachat mo sya.
Pero trip kalang pala nya.💔

31/03/2019

Titigil muna ako"
Mahal patawad,
Patawad kung hindi ko kayang maging ang tamang tao para sayo.
Mahal patawad,
Patawad kung hindi ako kasing galing mag-alaga ng nanay mo.
Mahal patawad,
Patawad kung nagiging pasanin na ako sayo.
At mahal patawad,
Patawad kung titigil muna ako.
Titigil muna ako,
Titigil muna ako hindi dahil sa sumusuko na ako.
Titigil muna ako,
Titigil muna ako hindi dahil hindi ko na kayang lumaban pa.
Titigil muna ako,
Titigil muna ako hindi dahil hindi na kita mahal.
Bagkus titigil muna ako,
Titigil muna ako dahil kailangan ko munang magpahinga.
Magpahinga,
Magpahinga sa pagtatalong ni minsan hindi ko napanalunan.
Magpahinga,
Magpahinga sa sakit na dulot na palagian nating pag-aaway.
Magpahinga,
Magpahinga sa pagtatanggol,
Pagtatanggol sa lugar ko sa iyong buhay.
Ngunit mahal,
Mahal hindi kita kayang sukuan,
Mahal hindi kita kayang iwanan,
Dahil mahal,
Mahal na mahal na mahal kita.
Pero mahal,
Hayaan mo muna akong tumigil at magpahinga
Upang muling manumbalik ang lakas ko,
Ang lakas ko upang ipaglaban ka.
—SAM

31/03/2019

Nakaraan ay nakaraan
Wag na nating balikan
Kapag iyong binalikan
Ay lalo ka lang masasaktan
Pero pa'no mo nga naman makakalimutan ang iyong nakaraan
Kung ito'y nagpasaya sayo ng panandalian.💔

31/03/2019

Akala ko lubos na kitang kilala
Akala ko sa'kin pa lang kuntento ka na
Dahil sa tuwing lagi tayong mag kasama
Pinaparamdam mo sakin na sobra mong saya
Ngunit lahat ng 'yon peke pala ☺💔

03/02/2019

"NAGLAHO NA"
Pagsasama natin ay naglaho na
Maikukumpara ito sa kape
Dating mainit ngunit habang tumatagal ito’y lumalamig
Nawawala ang dating tamis at naiiwan na lang ay ang pait ng kahapon
Dating ulan na di matigil-tigil pero bakit ngayon lintik na lang na malapit na rin tumigil
Kakapit pa rin ba ako sa ating dalawa kahit mismong ikaw bumibitaw na
Tatanggalin na ba ang pagkakahawak dahil ako’y nasasaktan na
Sapagkat nakikita ng dalawang mata ko na iba na ang iyong hawak
Pero bakit pilit pa rin akong nagbubulaglagan sa aking nakikita
Bakit gusto ko marinig mismo sa iyo na hindi mo na ako kailangan
Siya na ang iyong nais at minamahal
Hihintayin ko ang araw na masabi mo sa akin ang totoo
At sa araw na iyon hindi ko hihilingin na ako lang
Dahil sa araw na iyon ay malaya ka na
At mas lalong malaya na ako sa pagpapakatanga.💔😥

03/02/2019

Kapag ex mo napunta sa iba,wag kang magalala sabe nga ni jollibee "IBIGAY ANG PINAGLUMAAN SA KAWAWANG NANGANGAILANGAN

03/02/2019

"Kapag ang NANAY mo nagalit sayo." pasok sa tenga , labas sa kabila kinabukasan," WALA NA. Pero pag ang MAHAL mo ang nagalit sayo , pasok sa tenga , diretso sa utak , tagos sa puso , labas sa mata with luha pa.😭 😂✌

03/02/2019

ANG PAG-IBIG PARANG SIGARILYO , BAKIT PA NAIMBENTO KUNG SAKIT LANG NAMAN ANG NAIDUDULOT.💔

Address

Brgy. Cabayaoasan
Paniqui

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hugot ni Auntie Rhea posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category