25/02/2026
๐๐๐๐๐ฌ ๐จ๐ ๐๐๐๐ฌ๐
โ๐๐๐ฉ๐๐ ๐ง๐๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ค๐ ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐๐ง๐๐ง, ๐ค๐๐ฌ๐๐ฅ๐๐ง๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ค๐ข๐ญ.โ
Pebrero 22 hanggang 25, 2026 ay siyang nagmamarka ng ika-40 na anibersaryo ng People Power Revolution na inilunsad ng sambayanang Pilipino noong 1986โisang patunay na ang tapang ay mas makapangyarihan kaysa sa puwersa ng dahas.
Ngunit sa kabila ng sigaw at dugo ng nakaraan, may mga tinig na pilit binabaluktot ang alaala ng EDSA, tinatangkang pahinain ang sakripisyo ng sambayanan at burahin ang aral na dala nito.
Hindi malilimutan ang mga naganap sa EDSA kung saan milyon-milyong Pilipino, mula estudyante, pari, madre, manggagawa, at karaniwang mamamayan ang nagtipon sa harap ng Camp Crame at Camp Aguinaldo; nagkapit-bisig, humarap sa mga tangke at riple, hindi upang maghasik ng karahasan, kundi upang igiit ang ating dangal at karapatan. Ang rebolusyon ay sagot sa ilang taong panunupil ng diktadura, bunga ng katiwalian, pandaraya, at sistematikong pang-aapi sa bawat Pilipino.
Mula 1972 hanggang 1986, unti-unting sinakal ang ating demokratikong bansa. Ang Kongreso ay pinatahimik; ang mga mambabatas at mamamahayag na may tapang magsalita ay ikinulong. Ang Korte Suprema ay naging anino ng kapangyarihang ehekutibo. Ang media, mga pahayagan, radyo, at telebisyon ay piniringan at ipinasara. Sa huli, ang batas na dapat ay kakampi ng katarungan ay pinuno ng kapritsuhan.
Habang ang bayan ay binubusalan, ang ekonomiya ay nilimas. Ang mga institusyon ay ipinagkatiwala sa mga kamag-anak. Ang yaman ng bansa ay naging personal na kaban, at bilyun-bilyong dolyar ang naipon.
Ayon sa mga dokumentong ulat ng Amnesty International, tinatayang 3,257 ang extrajudicial killings, 35,000 ang documented tortures, at 70,000 ang ikinulong sa panahon ng Martial Lawโmalalaking paglabag sa karapatang pantao sa kasaysayan ng Pilipinas na hindi dapat kalimutan. Marami ang nawala, itinapon sa sapa, talahiban, o kayaโy hindi na natagpuan. Nasaan na ang hustisya?
At higit sa lahat, ang diktadura ay hindi lamang isang hamak na kuwentoโito ay isang bangungunot na walang sinuman ang nais maranasan muli.
Subalit, sa kabila nito, may isang bagay na hindi kayang ikulong ng diktador: ang diwa ng bayan.
Sa araw ng kilos-protesta, ang mga Pilipinong naroon ay walang dalang armas, bagkus ay bulaklak at rosaryo ang kanilang binitbit bilang sandata, sama-samang nanalangin para sa kapayapaan ng ating lupang sinilangan.
Sa loob ng apat na araw, pinatunayan nila na ang tunay na kapangyarihan ay ang pagkakaisa. Ngayon ang ika-40 taon mula noon, ang EDSA ay hindi lamang isang simpleng alaala. Ito ay sigaw sa gitna ng sigwaโpaalala na kapag nagsalita na ang bayan, kahit ang pinakamalakas na puwersa ng kasakiman ay kayang-kaya puksain at pabagsakin.
Ngayon, tanungin mo ang sarili mo: Mahalaga pa ba ang kalayaan? Maninindigan ka ba tulad ng ating mga bayani, laban sa katiwalian, kasakiman, at pang-aapi na patuloy na bumabalot sa sistema?
Kaya nating tumindig, kaya nating magsama-sama, at kapag ang bayan ay nagsalita bilang isa, walang diktador, walang tangke, at walang takot ang makakapagpatumba sa ating paninindigan.
Kung mahalaga sa iyo ang kalayaan, lumaban ka para sa hustisyaโt karapatan. Sapagkat sa bansang baluktot ang timbangan, tanging tapang at pagkakaisa ang makapagbabalik ng liwanag sa dilim.
Ang sigaw sa sigwa ay isang paalala na hindi kayang supilin ng kasakiman ang diwa ng sambayanan.
โ๏ธ: Layca G. Brigado