19/10/2025
ππππ ππππ ππππ πππππ ππ ππ πππ πππ πππ ππππ ππ ππππππππ ππ, πππ πππ πππ πππππ ππππ πππππ ππππππ:πππ
Maraming magulang ang buong buhay nagbanat ng buto, tapos sa huli sila pa rin ang inaasahan. Hindi dahil tamad ang anak kundi madalas kasi hindi sila naturuang maging independent. Kung ayaw mong mangyari yon, eto ang mga dapat mong simulan habang maaga:
1. Turuan silang kumayod, hindi lang mag-aral.
Grades are good, pero diskarte ang kailangan nila sa totoong buhay. Bigyan mo sila ng maliliit na responsibilidad like tumulong sa bahay, magbenta, mag-ipon ng sarili nilang pera. Diyan nabubuo ang tiwala sa sarili.
2. Huwag gawing safety net ang bahay.
Kapag kaya na nilang tumayo sa sarili, hayaan mo silang matuto. Tinuturuan mo lang silang maging matatag.
3. Huwag mo silang laging sagipin.
Kapag palaging may βNanay o Tatay to the rescue,β hindi nila mararanasan kung paano bumangon mag-isa. Hayaan silang magkamali, kasi doon sila matututo.
4. Pag-usapan nyo ang pera.
Hindi nakakahiya ang money talk. Ipakita mo kung paano ka nagba-budget at nag-iipon. Kapag alam nila kung gaano kahirap kitain ang pera, mas magiging responsable sila.
5. Ipakita mo sa gawa, hindi lang sa salita.
Kung ikaw ay disiplinado, marunong mag-ipon, at hindi umaasa sa iba, gagayahin ka nila. Dapat ikaw ang role model nila.
6. Palitan mo ang βutang na loobβ ng βresponsibilidad.β
Ang goal mo hindi yung magbayad sila saβyo, kundi matuto silang tumayo sa sarili. Ang pinakamagandang regalo ng magulang? Anak na hindi mo kailangang alagaan habang buhay.
7. Ipakita ang tunay na adulting.
Wag mo itago ang stress, pagod, at responsibility. Kapag nakita nilang real talk ang pagiging magulang, mas rerespetuhin nila ang effort mo at matututo silang maghanda sa sarili nilang laban.