29/10/2022
ANTI-CHEATING HELMETS, ON! 🪖✍️🏫
TINGNAN: Isang nakakaaliw na diskarte ang ginawa ni Sr. Mike Kevin Pampilo, isang g**o mula Jose Rizal Memorial State University sa Dipolog City, Zamboanga del Norte upang matulungan ang kanyang mga mag-aaral na makapagpokus sa pagsasagot ng kanilang pagsusulit.
Ginawang parang helmet ang mga papel na mula sa yellow pad na isinuot ng mga estudyante habang nagsasagot ng kanilang midterm exams upang maiwasan ang pangongopya.
"Bakas sa mukha ang saya❣️ Dalumat Midterm Exam Iwas pagpangopya." pahayag ni Sr. Mike sa kanyang caption.
Source: RGV | KAMM Media Network / Facebook
📸 Mike Kevin Pampilo