07/09/2025
Matagal-tagal din akong nawala dito sa page mga Inay. Gusto ko munang mag sorry at magpasalamat sa inyo na kahit di ako naging active, nandito pa rin kayo.🙏🏻♥️
Kung tatanungin niyo kung bakit? Sa totoo lang, naligaw ako ng landas ng emosyon. Dahil sa di inaasahang pagbubuntis ko. Pang-anim na baby na namin, at kakapanganak ko lang last year. Ang dami kong inisip, ang bigat ng loob ko, at muntik ko nang hindi kayanin. Dumating sa punto na naisip ko pa ang mga bagay na hindi ko akalaing papasok sa isip ko dahil sa sobrang stress unang-una na yung mag pa-abort.😢
Salamat sa Panginoon dahil nandyan lagi ang aking Mister para paliwanagan ako at mas lalo lumapit sa kanya. Unti-unti kong tinanggap na may dahilan ang lahat. At ngayon, kahit di ko pa nakikita ang baby namin, mahal ko na sya. Natutunan kong kahit mahirap, may kasamang biyaya ang bawat laban.♥️💪🏻
Kaya ngayon, magiging active na ulit ako. I want to share my real journey bilang isang stay-at-home mom with 6 kids. Alam kong may mga makakarelate, matatawa, at sana may ma-inspire din. Kasi naniniwala ako na sa bawat struggle ng pagiging Nanay, may kwento rin na puno ng saya at pagmamahal.
Kung andito ka pa rin at binabasa ito, maraming salamat Inay!❤️🙏🏻
Gusto kong marinig din ang stories niyo. Comment naman kayo kung ilan ang anak niyo at anong pinaka-funny o pinaka-challenging experience niyo as a PilipInay.
Tara mag kwentuhan ulit tayo.☺️