01/12/2025
‘PILIPINAS… ANG HIRAP MONG MAHALIN, PERO SA ORAS NG LABAN, HINDI KA NAMIN IIWAN’
Iyan ang saad ni Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos niyang makiisa sa Trillion Peso March protest na ginanap kahapon, November 30.
“Hindi lang pera ang ninakaw—kundi ang kinabukasang ipinagdarasal natin para sa mga anak natin. Flood control pa lang ’yan—paano pa ang edukasyon, agrikultura, healthcare, ports, airports, taxes?” saad ni Catriona sa kanyang Instagram post.
“Nagngingitngit na ang bayan, pero nananatiling tahimik ang hustisya. Kailan tayo muling magsisimulang umasa? Pilipinas… ang hirap mong mahalin, pero sa oras ng laban, hindi ka namin iiwan. 🇵🇭,” dagdag pa ng beauty queen.
(Instagram/catriona_gray, Photo: Martin Ramos/Philstar.com)