10/01/2024
Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa ibang tao, kahit sa kamag-anak mo, umaway sa'yo, nang-iwan, nangloko, at sa mga taong ayaw sa'yo.
Kadalasan kasi sa atin, kapag may ginawang mali ang kapwa natin, doon rin natin gustong may mapatunayan sa kanila na mali sila. Pero hindi natin alam, tayo rin mismo ang nauubos dahil una, hindi tayo magiging masaya kasi hindi naman iyon ang gusto nating gawin. Ginagawa lang natin iyon kasi nga may gusto lang tayo patunayan sa kanila.
Sabi nga sa,
1 Pedro 3:9
"Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong alipustain ang umaalipusta sa inyo. Sa halip, gantihan ninyo sila ng pagpapala sapagkat tinawag kayo upang gawin ito, upang kayo ay magmana ng pagpapala."
Sa english,
"9 Do not repay evil with evil or insult with insult. On the contrary, repay evil with blessing, because to this you were called so that you may inherit a blessing.
Gawin mo lang palagi kung ano 'yung tama at makakabuti sa sarili mo at sa kinabukasan mo. Kung merong umaway sa 'yo, nagsalita ng hindi maganda, nangloko, o nangutya, hayaan mo sila, huwag kang gumanti. Dahil sobrang ikli lang ng buhay sa mundo para bigyan ng pansin kung ano ang ginawa nila. Improve lang palagi natin ang ating sarili, gawin natin yung mga bagay na hindi pa natin nagagawa, aralin natin yung mga bagay na hindi natin alam, at huwag tayo matakot lumabas sa kinasanayan nating lugar.
Kung gusto natin maging magaan ang buhay, gawin natin yung tama, gawin natin lahat ng ating ginagawa na may pagmamahal sa Panginoon at sa kapwa.
1 Corinto 16:14
Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.
1 Corinthians 16:14
Let all that you do be done in love.
Rooting for you! Never give up! See you at the Top! 🙏🏽☝️❤
Be inspired awakened & motivated. Follow us for more! 😉
IG: https://www.instagram.com/allenmarvineder
TikTok: https://www.tiktok.com/
Youtube: https://www.youtube.com/