
06/10/2024
Ang Batang Bumuo sa Phantom Troupe!😊
Sya si Sarasa, isa sa mga batang naging kaibigan nila Chrollo noong sila ay mga paslit pa lamang. Si Sarasa ang gumawa ng paraan upang hinde na pag-initan nila Phinks at Feitan ang labing-isang taong gulang pa lamang na si Chrollo. Si Sarasa din ang nagpalabas ng tinatagong kabutihan sa puso ni Uvogin, nagdulot para maging magkakaibigan ang mga miyembro ng Phantom Troupe noon. 😊
Sa kasamaang palad, pinaslang si Sarasa sa Meteor City ng mga hinde pa nakikilalang kriminal.
Ang kanyang kamatayan ang naging dahilan para maging masama ang Phantom Troupe, sapagkat ito lamang ang paraan upang maipaghiganti nila ang kanilang kaibigan. 🥺
Madami pa kayong makikilalang interesanteng karakter sa mga susunod na kabanata! 9 DAYS NA LANG MAGBABALIK NA ANG HXH! 😁