28/05/2026
STAY SAFE AND ALWAYS HYDRATED MGA KABENGBENG!
Kahapon mula umaga hanggang after lunch ok naman ako, galing ako Espineli and after that may dinaanan lang to do some errands, pero bago umuwi nakaramdam na ako na masakit ng ulo ko which naisip ko baka gutom or talagang sobrang init kaya bumili pa kami food bago umuwi, ok pa ako buong byahe pauwi, pagdating sa bahay uminom ako tubig pero nakaramdam na ako sobrang init basta iba na pero nakapag lagay pa ako ng binili ko sa ref after that akyat na kwarto ko na napakainit, nagbukas na ako aircon at electric fan.
Pero kakaiba naramdam ko kahapon, nanalangin na ako kasi natatakot na ako, tumutulo pawis kahit nagpalit na ako damit, sobrang sakit na ng ulo ko kaya ginawa ko uminom ulit ako tubig at tinutok electric fan sa akin pero grabe para akong nauupos na kandila nanlalambot na ako at gusto ng katawan ko na humiga lang pero nilabanan ko at nakaupo lang ako kasi natatakot na ako baka na heheat stroke na ako di ko pa alam. Hindi ko rin nakain pagkain binili namin kasi nawalan ako gana kumain at feeling ko nasusuka na ako. Hindi ko na nakuha mag bp ewan ko di ko naisip, basta nanalangin ulit ako na Ama tulungan mo ako🙏🏻
Humiga na din ako at naidlip saglit, nagpasama sa kwarto kasi natatakot nga ako, nagising ako masakit pa din ulo ko at parang nahihilo, hindi pa rin ako tumayo sa k**a kasi nanlalambot pa din ako, pero Awa ng Diyos after mga 2hours siguro medyo nag ook na ako, nakasubo na din ako sa pagkain na nabili namin( pero di ko naubos) after nun nagpahinga na lang ulit, nakatulog at eto nagising ako at naalala ko i share sa inyo nangyari sa akin kahapon.
STAY HYDRATED MGA KABENGBENG! Lagi po kayo uminom tubig at magbaon po tubig, sobra init ngayon, kakaiba panahon at talagang nakakawasted. Salamat sa Ama at hindi nya ako pinabayaan. Grabe na talaga takot ko kahapon kasi kahapon ko lang naramdaman ang ganun. Ingat tayo lahat mga Kabengbeng at lagi po tayo mananalngin🙏🏻