16/04/2025
End of School Year na. 24/7 ka ng nasa bahay โ yung akala nyong 'simple' malaking bagay yan sa magulang nyo o kung sinumang kasama nyo sa bahay.
Kung talagang mahal nyo ang mga magulang nyo, o may malasakit manlang, hindi nyo kailangan ma-pressure na yumaman agad thinking na dun lang kayo makabawi sa parents nyo. By giving gifts, by treating them or bringing them to nice places. Kasi as early as now, you can do something bigger โค๏ธ
1. KAPAG NAKITA NYONG WALA NG LAMAN NG PITSEL SA REF, LAGYAN NYO NA NG TUBIG. Kayo man o hindi ang umubos ng tubig, magpakita kayo ng konting malakasakit sa susunod na mauuhaw.
2. KAPAG NAKITA NYONG MALINIS NA ANG LABABO AT PINGGAN NYO NALANG ANG ILALAGAY NYO, HUGASAN NYO NA. Simpleng disiplina sa sarili na babaunin nyo hanggang pag tanda.
3. MAG WALIS AT MAG LAMPASO NG KUSA. Ang kagandahan/kagwapuhan nakikita yan hindi lang sa mukha. Naka foundation ka nga, puro naman alikabok cabinet nyo. Naka porma ka nga, nang gigitata naman sahig nyo.
4. MAG LABA NG SARILING DAMIT. Kung may extra care kayo, isama nyo narin yung laundry ng kapatid nyo. Ano ba yung ilang oras na ilalaan mo sa isang araw para mag laba. Di ka naman daily mag gaganyan.
5. MAG TIPID SA PAGKAIN. Kung di naman gutom talaga at kakakain lang, tantanan muna magpabili ng kung anu ano. Ngayon palang makaka ahon at makakapag tabi kahit konti yung mga nagpapaaral sainyo. Bukas makalawa, enrollment nanaman. Pag pahingahin nyo muna sila mag isip, mag budget.
6. BAWASAN ANG PAGKABADTRIP SA MGA UTOS.
Hindi dahil bakasyon na eh palaging โme time.โ Minsan 'yung pagsunod sa simpleng utos โ tulad ng pagbili ng s**a, pagpatay ng ilaw, o pagbitbit ng labada โ malaking tulong na yun sa mga magulang nyo na pagod na rin sa buong araw.
7. MAGSIMULA NG KUSA, HINDI SA UTOS LANG.
Hindi laging kailangan may nagsasabi para gumalaw. Kapag may nakita kang kalat, pulutin mo. Kapag may upuan na hindi nakabalik sa pwesto, ayusin mo. Kadalasan, sa simpleng kusa na โyan mas nararamdaman ang respeto at pagmamahal.
8. I-APPRECIATE ANG MGA MALILIIT NA BAGAY.
Kapag may nilutong pagkain, sabihing โang sarap po.โ Kapag sinabihan kang โmag-ingat,โ huwag isnabin. Yung simpleng โthank youโ at โlove youโ kahit minsan lang โ pampagaan na 'yan ng pakiramdam nila.
Yung simpleng pag alok ng tubig, pag aayos ng hinigaan, pag tanong kung "kumain ka na ba", yung uwi galing sa trabaho yung parents mo na malinis ang uuwiang bahay galing sa nakakapagod na paghahanap buhay AY NAPAKALAKING BAGAY NA SAKANILA.
Oo, pagod din kayo sa isang taon na pag aaral. Ngayon lang makakabawi ng tulog at pahinga sa kabi kabilang school activities โ but a little help sa parents nyo won't cost you anything much naman. Do it. ๐
Sa mga parents, relatives, grand parents na nagpapaaral โ Congratulations! We made another year successful! Naigapang, naitawid ang isang taong baon araw araw, pamasahe, pang project, stress at kung anu ano pa. ๐โค๏ธ Mag pahinga rin kayo. Kasi bukas makalawa, enrollment na ulit. ๐
Ang pagmamahal sa pamilya, hindi palaging kailangang engrande o mamahalin. Minsan, ang mga simpleng bagay na ginagawa ng may malasakit at kusa โ 'yan ang tunay na s**atan ng pagiging responsable at mapagmahal.
Ngayong bakasyon, hindi lang pahinga ang i-prioritize. Gamitin din ito para matutong maging mas mabuting anak, kapatid, at kasama sa bahay.
Hindi kailangan ng malaking bagay para makabawi.
#๐ง๐๐จ๐ฅ๐ค๐ฃ๐จ๐๐๐ก๐
#๐ก๐๐ซ๐ก๐๐ซ๐ก๐๐ซ
#๐๐๐ฏ๐จ