29/12/2025
Ika-29 ng Disyembre, 2025 | MOPPING OPERATIONS
Ang paghahakot ng basura na isinagawa ng ating Mopping Team mula Purok 9 hanggang 13 ng ating Barangay San Dionisio. Ito ay inisyatiba ng ating butihing Kapitana Eva L. Olivarez na naglalayong mapanatili ang KALINISAN ng ating baranggay.
Ang paghahakot ng basura ay isang mahalagang hakbang upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating komunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng bawat isa, makakamit natin ang mas malinis na kapaligiran na mas kapaki-pakinabang sa lahat, lalo na sa kalusugan at kalidad ng buhay. Ang tamang pagtatapon at paghahakot ng basura ay hindi lamang tungkulin ng iilang tao o ahensya, kundi ng bawat miyembro ng ating komunidad. Kaya naman, importante ang pagkakaroon ng DISIPLINA, tamang kaalaman, at aktibong pakikilahok upang mapanatili ang ating kalikasan. Isang maliit na hakbang para sa atin, malaking epekto para sa kalikasan!