30/10/2025
                                            Kala ko tanggap ko na pero hindi pa rin pala, narardaman ko ito lalo kapag mag isa lang ako. Yes po, meron akong bukol sa ulo ko, na diagnose 4 years ago. Noong una wala naman akong nararamdaman, pero after 1 year nagsimula nang sumakit ng sobra ang ulo ko at pati ang kaliwang mata ko ay parang pinupush na siya palabas sa sobrang sakit. Ayokong mawalan ako ng trabaho kasi papano na kapag sinabi ng doctor na operahan na ako at tatanggalin ang bukol. Ayaw na ayaw ko kasing maging pabigat ako, kaya ngayon kahit ano man ang mangyari sa akin, walang aalalahanin ang pamilya ko pagdating sa gagastusin sa akin, kasi sa pinag tatrabahuhan ko ang perang nakalaan sa ano man ang kailangang gawin. Lagi ko na lang sinasabi na LABAN LANG. Daming tao ang nag rereklamo sa kalagayan ng buhay nila pero di nila alam na mas maswerte pa sila kesa sa iba. Magsikap at wag aasa sa iba kahit sa pamilya, yan ang ginagawa ko.