29/08/2025
𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | 𝗔𝗦𝗘𝗔𝗡 𝗕𝗲𝗻𝗰𝗵𝗺𝗮𝗿𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝘀𝗮 𝗣𝗡𝗛𝗦-𝗠𝗮𝗶𝗻
ni Jennifer Dencio
𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮, 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗦𝗘𝗔𝗡.
Isinagawa sa ikalawang araw ng National Technical Vocational Day sa Parañaque National High School (PNHS) - Main ang World skills ASEAN Manila 2025, benchmarking program na may temang, “One School, One Country.”
Sinimulan ang palatuntunan sa panalangin at makabayang awitin na sinundan ng presentasyon ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN).
Ipinakilala ng Education Program Supervisor - Technology and Livelihood Education na si Dr. Antonio Layacan ang mga nakiisang paaralan sa dibisyon ng Parañaque kabilang ang punongg**o na si G. Gerry A. Lumaban na dumalo.
“We are honored to have Malaysia, shared its rich expertise, talents, and dedication with the ASEAN community,” pahayag ng katuwang na punongg**o na si G. Rodel Vallejos sa kaniyang panimulang pananalita.
Binigyang-diin ng Education Program Specialist na si Dr. Roel Padernal ang pagbuo ng tulay sa pagitan ng Malaysian learners at Pilipino na ipamalas ang hospitality at innovation sa ngalan ng ASEAN.
Ibinahagi rin ng Regional EPS Mathematics National Capital Region na si G. Lambet Quesada at Congressional Department Head na si Majel Co ang makabuluhang kolaborasyon ng skilled professional sa pagpapatibay ng ugnayan ng mga bansa sa ASEAN.
Ayon sa Head of the delegationy/assigned country representative na si Madam Zuleah Binti Darsong, "We have trained together as one team, showcasing not only their technical activities but also the gracious feeling of perseverance, innovation, and excellence."
Aniya, ang kinabukasan ay nasa kabataan, at ito ay nakasalalay sa edukasyon at pagsisikap, “You can make a difference not only for yourself but also for your community and your country
📸: Beatrix Cariaga at Robert Ian Viray