16/07/2025
PARENTS WELFARE ACT, MULING ISINUSULONG SA SENADO
Isinusulong muli ni Sen. Panfilo Lacson ang panukalang "Parents Welfare Act of 2025," na naglalayong panagutin ang mga anak na hindi magbibigay ng suporta sa kanilang mga magulang na may edad na, karamdaman, o walang kakayahan a buhay.
Layunin ng panukala na palakasin ang pagkakaisa ng pamilyang Pilipino at tiyakin na hindi iiwang mag-isa ng kanilang mga anak ang matatandang magulang.
"We, Filipinos, are well-known for our close family ties. Because of this, it is not surprising that we have the usual inclination to care for our elderly. However, even with this close family ties, there are cases of elderly, sick, and incapacitated parents who were abandoned by their own children. Nowadays, the sights of abandoned elderly in our streets become typical. Children fail to provide the necessary support to their aging, sick and incapacitated parents. This happens despite our moral and natural obligation to maintain our parents who are in need of support," ani Lacson.
Binigyang-diin ni Lacson na bagama’t may itinatakdang legal na obligasyon ang Family Code na suportahan ang mga matatanda, marami pa ring nakatatanda na wala nang kakayahang suportahan ang kanilang sarili, at bagkus ay pinababayaan at iniiwan na lamang ng kanilang mga anak.
Ayon sa panukala, maaaring magsampa ng petisyon ang isang magulang sa korte at humiling ng kautusan na magbigay ng suporta laban sa kanilang mga anak.
"It shall be immediately executory and no temporary restraining order or injunction shall be issued by any court, except the Supreme Court, to stay it," dagdag pa ng senador.
Ang hindi pagsunod sa kautusan nang walang sapat na dahilan o paliwanag ay maaaring magresulta sa pag-isyu ng warrant mula sa korte upang kuhanin ang halaga ng hindi naibigay na suporta para sa bawat paglabag.
"If the respondent fails to give support for three consecutive months without justifiable cause, the respondent shall face imprisonment of one to six months or a fine of P100,000," ayon sa panukala.
Dagdag pa rito, sinumang may pangangalaga sa magulang na nangangailangan ng suporta at sinadyang abandunahin ito ay maaring makulong ng anim hanggang sampung taon at pagmumultahin ng P300,000.
Source: ABS-CBN News; Senate of the Philippines
📸: iStock