Dxdouble-I

Dxdouble-I DXDOUBLE - I 107.5 SPLASH FM - LOCATED AT MUNICIPAL COMPOUND, POBLACION 1, PARANG, MAGUINDANAO

WALONG STALL NASUNOG SA PAMILIHANG BAYAN NG PARANG  MAGUINDANAO DEL NORTE  ISANG malawakang sunog ang sumiklab sa bahagi...
22/07/2025

WALONG STALL NASUNOG SA PAMILIHANG BAYAN NG PARANG MAGUINDANAO DEL NORTE

ISANG malawakang sunog ang sumiklab sa bahagi ng Parang Public Market kaninang Ala-una ng madaling araw, Hulyo 22, 2025.

Ayon sa ulat ng ilang saksi, walong mga stall ang nilamon ng apoy, karamihan sa mga ito ay yari sa mga light materials.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP-Parang) upang matukoy ang sanhi ng sunog at ang lawak ng pinsalang naidulot nito.

Inaalam din nila ang kabuuang halaga ng mga nasirang ari-arian.

Samantala, nagpapatuloy naman ang operasyon ng Parang Public Market maliban sa mga bahaging naapektuhan ng sunog.

via|| Kasangga Jomar

𝗕𝗲𝗻𝗰𝗵𝗺𝗮𝗿𝗸𝗶𝗻𝗴 𝘃𝗶𝘀𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗟𝗚𝗨 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗨𝗽𝗶, 𝗜𝘀𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗯𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻!Nagsagaw...
18/07/2025

𝗕𝗲𝗻𝗰𝗵𝗺𝗮𝗿𝗸𝗶𝗻𝗴 𝘃𝗶𝘀𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗟𝗚𝗨 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗨𝗽𝗶, 𝗜𝘀𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗯𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻!

Nagsagawa ng benchmarking visit sa bayan ng Upi kahapon araw huwebes July 17, 2024 ang delegasyon mula sa lokal na pamahalaan ng Parang, Maguindanao na pinangunahan ni Hon. Mayor Cahar P. Ibay.

Naging paksa sa nasabing benchmarking visit ang best practices ng Lokal na Pamahalaan ng Upi ang patungkol sa real property assesment at ng tax collection ng munisipyo.

Sa ganitong paraan, ang tamang pagbabayad ng buwis ay makakatulong sa pag-usbong ng agrikultura at pagpapabuti ng ekonomiya ng bayan.

Ang Upi, Maguindanao del Norte ay kilala sa mga proyekto at programa nito na pinangunahan ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng liderato ni Mayor Ma. Rona Cristina A. Piang-Flores.

Ang Upi ay isang first class municipality na matatagpuan sa lalawigan ng Maguindanao del Norte. Binubuo ito ng 23 na barangay at sumasakop sa isang lugar na 555.7446 square kilometers. Ang naturang munisipalidad ay tahanan ng isang magkakaibang tribo na may populasyon na 59,004 na residente.

Nakapagpatayo na rin ng mga kalsada at iba pang imprastruktura sa ilalim ng Provincial Engineering Office (PEO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte.

𝗣𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗢𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗕𝗼𝗻𝗴𝗼 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗻𝗱, 𝗜𝘀𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴!PARANG, MAGUINDANAO DEL NORTE - Tinalakay ngayong umaga ng martes Jul...
15/07/2025

𝗣𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗢𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗕𝗼𝗻𝗴𝗼 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗻𝗱, 𝗜𝘀𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴!

PARANG, MAGUINDANAO DEL NORTE - Tinalakay ngayong umaga ng martes July 14, 2025 sa public consultation ng Committee on Heatlh ang panukalang pagpapatayo ng isang 10-bed infirmary ospital sa Bongo Island partikular sa Barangay, Litayen.

Ang Bongo Island ay may populasyon na humigit-kumulang 4,000 residente, at kasalukuyang walang pasilidad sa kalusugan at nangangailangan ng agarang atensyong medikal.

Ayon sa mga residente, ang kawalan ng ospital sa isla ay nagdulot ng maraming problema, kabilang ang pagkamatay ng ilang mga pasyente dahil sa hindi agarang paggamot dahil umano sa distanya ng ospital mula sa naturang lugar.

Sa mensahe ni Mayor Cahar P. Ibay sinabi nito na ang ospital ay magiging isang "linya ng buhay" para sa komunidad ng Bongo kung kaya't hiling nito sa pamunuan ng BARMM na maisakatuparan sa pagsasabatas ang BTA Bill No. 269 or "AN ACT CREATING AND INFIRMARY HOSPITAL IN BONGO ISLAND, PARANG, MAGUINDANAO DEL NORTE, DEFINING ITS SERVICE CAPACITY, PROVIDING FUNDS THEREFOR AND FOR OTHER PURPOSES".

Naging presiding officer sa naturang pagdinig si MP Ibrahim P. Ibay na sya ring binigyan importansya ang pagkakaroon ng isang ospital sa Bongo Island upang ilapit sa kanyang mga kababayan ang maayos na serbisyong medikal.

𝗕𝗮𝘁𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗥𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗽𝗶𝗴𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗮𝗸𝘁𝗶𝘀 𝗻𝗴 "𝟱-𝟲" 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗽𝘂𝗸𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗱𝗿𝗼𝗴𝗮, 𝘀𝗲𝗻𝘁𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗻𝘀𝗮𝗵𝗲 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗜𝗯𝗮𝘆!...
04/07/2025

𝗕𝗮𝘁𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗥𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗽𝗶𝗴𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗮𝗸𝘁𝗶𝘀 𝗻𝗴 "𝟱-𝟲" 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗽𝘂𝗸𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗱𝗿𝗼𝗴𝗮, 𝘀𝗲𝗻𝘁𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗻𝘀𝗮𝗵𝗲 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗜𝗯𝗮𝘆!

Bilang pagsuporta sa bagong mukha ng Sangguniang Bayang ng Parang, MDN ay nagbigay ng kanyang mensahe si Hon. Mayor Cahar P. Ibay sa isinagawang Inaugural Session na pinangunahan ni Hon. Vice Mayor Abdul Aziz "Mahal" Ali at Presiding Officer Sangguniang Bayan Secretary Dimaciding G. Succor IV, JD.

Ang inaugural session ng mga bagong halal na opisyal ng bayan ay isang makabuluhang okasyon na nagmamarka sa simula ng kanilang termino bilang mga lider. Ang mga nasabing opisyal ay may mahahalagang papel sa pagtugon sa mga pangangailangan ng kanilang nasasakupan at sa pagbuo ng mga programa at proyekto .

Hindi maikakaila na ang bayan ng Parang ay kasalukuyang sumasailalim sa mga pagbabago at pag-unlad, lalo na sa pagiging sentro ng gobyerno ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝗹𝗮,

Sa naging laman ng mensahe ni Mayor Ibay, naging sentro nito ang tungkol sa problema ng ilegal na droga at "5-6" o pagpapa-utang, ito ay mga isyu na karaniwang nilalapit umano sakanya.

Ang "5-6" lending scheme ay isang uri ng impormal na pautang na may mataas na interes at maaaring magdulot ng problema sa mga nangungutang.

Bukod sa ito ay bawal sa Islam, sa ilalim pa rin ng batas ang mga nagpapautang na hindi rehistrado at sumasailalim sa mataas na interes ay maaaring makasuhan at maparusahan.

Aniya pa, ang kahirapan ay isang malubhang problema umano sa maraming lugar kung kaya't huwag nang dagdagan pa sa pamamagitan ng 5-6 scheme.

Sa huli, nakiusap ito na magkaisa at magtulungan upang mas mapadali ang pagharap sa mga hamon at problema.

New beginnings! Congratulations to our newly elected councilors on their inaugural session! Wishing them wisdom and dedi...
03/07/2025

New beginnings! Congratulations to our newly elected councilors on their inaugural session! Wishing them wisdom and dedication as they embark on their new roles! 🌟

Turn-Over & Assumption Ceremony of Newly Elected Officials of Parang, Maguindanao Del Norte.
30/06/2025

Turn-Over & Assumption Ceremony of Newly Elected Officials of Parang, Maguindanao Del Norte.

𝗣𝗮𝗻𝘂𝗸𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗻𝗴𝘀𝗮𝗺𝗼𝗿𝗼 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 sa bayan ng Parang, tuloy na tuloy, ito an...
09/06/2025

𝗣𝗮𝗻𝘂𝗸𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗻𝗴𝘀𝗮𝗺𝗼𝗿𝗼 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 sa bayan ng Parang, tuloy na tuloy, ito ang masayang ibinalita ni Chief Minister Macacua dahil umano sa paglagda ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng kanyang opisina at Malaysian Investors para sa pagpapatayo ng BARMM gov't center sa bayan ng Parang, Maguindanao, del Norte.

𝗔𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝘂𝘀𝗮𝗽 𝗻𝗶 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀 𝗝𝗿. 𝗮𝘁 𝗻𝗶 𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗠𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗔𝗯𝗱𝘂𝗹𝗥𝗮𝗼𝗳 𝗔. 𝗠𝗮𝗰𝗮𝗰𝘂𝗮, wala na umanong dah...
09/06/2025

𝗔𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝘂𝘀𝗮𝗽 𝗻𝗶 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀 𝗝𝗿. 𝗮𝘁 𝗻𝗶 𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗠𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗔𝗯𝗱𝘂𝗹𝗥𝗮𝗼𝗳 𝗔. 𝗠𝗮𝗰𝗮𝗰𝘂𝗮, wala na umanong dahilan pa para hindi matuloy ang nakatakdang petsa ng pagdadaos ng kauna-unahang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa buwan ng Oktubre ng kasalukuyang taon.

Anila, kung wala namang valid na dahilan para ipagpaliban ang eleksyon, dapat ituloy na ito para sa ikabubuti ng demokrasya.

Ito ang mariing isiniwalat ni ICM Macacua sa kanyang pagdalo sa isinagawang Mass Oath Taking ng Iranun Municipalities na kinabibilangan ng mga bayan ng Buldon, Barira, Matanog, at Parang.

𝗠𝗔𝗦𝗦 𝗢𝗔𝗧𝗛-𝗧𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬: Isasagawa ngayong umaga ang Mass Oath taking Ceremony ng mga nanalong kandidato sa ilalim ng ...
09/06/2025

𝗠𝗔𝗦𝗦 𝗢𝗔𝗧𝗛-𝗧𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬:
Isasagawa ngayong umaga ang Mass Oath taking Ceremony ng mga nanalong kandidato sa ilalim ng UBJP Party sa buong Iranun Corridor sa katatapos lamang na eleksyon sa pangunguna ni Hon. Mayor Cahar P. Ibay.

Ang seremonya ng panunumpa ay isang mahalagang hakbang sa pagpasok ng mga bagong halal na opisyal sa kanilang mga bagong papel at responsibilidad. Ito ay simbolo ng kanilang pangako sa paglilingkod sa bayan at sa mamamayan.

Sa pangkalahatang mensahe, nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa mga botante at nangako na maglilingkod nang buong katapatan at integridad. Ang mga bagong halal na opisyal ay inaasahang magsisimula sa kanilang mga tungkulin sa July, 1, 2025 at magtatrabaho upang tugunan ang mga hamon at pangangailangan ng kanilang nasasakupan.

Ang naturang oath taking ay dinaluhan ito ni Interim Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" A. Macacua, Provincial Governor Datu Shariffudin Tucao Mastura, MP Sowaib "Gordon" Oranon at mga matataas na opisyal ng iba't ibang security personnel.

𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦 isinagawa ngayong umaga ng miyerkules sa Barangay, Poblacion Dos, Parang, MDN partikular sa pamilihang bayan ...
04/06/2025

𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦 isinagawa ngayong umaga ng miyerkules sa Barangay, Poblacion Dos, Parang, MDN partikular sa pamilihang bayan sa pangunguna ni Hon. Mayor Cahar Ibay at Elect Vice Mayor Abdul Aziz "Mahal" Ali.

Sa isang simpleng paraan at pagtutulungan sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga basura sa tamang basurahan, nagkakaroon tayo ng malinis na paligid, nagiging magaan ang ating pag-iisip, at naiiwasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang sakit gaya lamang ng dengue na syang kadalasang nakikita sa mga maruruming area o paligid.

Sa nasabing aktibidad, sama-samang naglinis ang mga opisyal, iba't ibang stakeholder, mga empleyado ng LGU Parang, at mga residente ng nasabing barangay.

Ang pagkakaisa at pagtutulungan ay nagpapakita ng malasakit sa komunidad at sa kapaligiran.


𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗣𝗢𝗫 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚, 𝗠𝗗𝗡!𝙼𝙿𝙾𝚇 𝚄𝙿𝙳𝙰𝚃𝙴 -Sa gitna ng mga kumakalat na balita at lumalaking pag-aalala ng ...
03/06/2025

𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗣𝗢𝗫 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡
𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚, 𝗠𝗗𝗡!

𝙼𝙿𝙾𝚇 𝚄𝙿𝙳𝙰𝚃𝙴 -Sa gitna ng mga kumakalat na balita at lumalaking pag-aalala ng publiko, nais nating ipabatid na wala pong kumpirmadong kaso ng Monkeypox o Mpox dito sa bayan ng Parang.

Ito ang binigyang linaw ni Ma'am 𝑺𝒂𝒇𝒓𝒊𝒂𝒏 𝑼𝒔𝒎𝒂𝒏, 𝑹𝑵 ang s'yang 𝑫𝒊𝒔𝒆𝒂𝒔𝒆 𝑺𝒖𝒓𝒗𝒊𝒆𝒍𝒍𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆𝒓 𝒏𝒈 𝑰𝒓𝒂𝒏𝒐𝒏 𝑫𝒊𝒔𝒕𝒓𝒊𝒄𝒕 𝑯𝒐𝒔𝒑𝒊𝒕𝒂𝒍 (IDH) kasunod ito ng mga balita o haka-haka na mayroon na umanong kaso dito sa bayan.

Sa panayam ng Dxdouble-i team kay Ma'am Usman, kanya ring binigyan linaw para sa kaalaman ng publiko na ang COVID19 at ang MPOX ay parehong virus at parehong nakakaalarma sa kalusugan ng bawat isa, ngunit mayroon lamang itong pagkakaiba dahil ang Covid19 ay cause ng Severe Acute Respiratory Syndrome o SARS, habang ang MPOX virus naman ay isang uri ng Orthopoxvirus.

Aniya pa, ang pinaka-sintomas ng MPOX ay ang pagkakaroon ng pamamaga sa bandang leeg kulani kung tawagin or lymph nodes, Pantal sa balat, Lagnat, Pagod, Sakit ng ulo, Body weakness, at Pananakit ng mga kalamnan.

Sa mensahe ni Ma'am Usman, mahalaga umano ang pag-iwas at pagkontrol sa MPOX upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at masiguro ang kaligtasan ng bawat isa, kung may nararamdamang kakaiba wala na pong ibang gagawin kundi magpakunsulta sa pinakamalapit na health center sainyong mga lugar para madaling maagapan at mabigyang lunas.

Sa huli, ang Iranon District Hospital sa pamumuno ni 𝘿𝙍. 𝙃𝙖𝙧𝙧𝙞𝙨 𝘿. 𝙈𝙖𝙘𝙖𝙥𝙚𝙜𝙚𝙨, 𝙈𝘿 ay handang tumugon sa anomang posibleng banta o hamon na dumarating partikular saating kalusugan.

--This photo is for illustration purposes only.

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡| Bilang bahagi ng bansang pilipinas at bilang pagsuporta at pagmamahal kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte,...
15/03/2025

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡| Bilang bahagi ng bansang pilipinas at bilang pagsuporta at pagmamahal kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte, nagtipon-tipon ang iba't ibang organisasyon sa bayan ng Parang, Maguindanao Del Norte para isagawa ang prayer rally at ang iba pang mga pagkilos.

Bitbit ng bawat indibidwal ang mga panawagang "BRING HIM HOME, at BRING BACK FPRRD" sa bansa ang dating pangulo.

Kasabay ng rally, nagpapakita din ito ng pagkadismaya sa kasalukuyang administrasyon.

Si Duterte ay kasalukuyang nasa The Hague Netherlands para sa paglilitis sa kanyang kasong kinakaharap na may kaugnayan sa Crimes Against Humanity sa ilalim ng "war on drugs" noong panahon ng kanyang administrasyon.

Address

Municipal Compound, Poblacion 1, Maguindanao
Parang
9604

Opening Hours

Monday 6am - 9pm
Tuesday 6am - 9pm
Wednesday 6am - 9pm
Thursday 6am - 9pm
Friday 6am - 9pm
Saturday 6am - 9pm
Sunday 6am - 9pm

Telephone

+639120707624

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dxdouble-I posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category