
30/07/2025
Thank you, Lord! 🙏
Kapag pakiramdam mo wala kang nararating, alalahanin mo ang mga araw na ultimo pamasahe, wala ka. Noong isang klase lang ng pagkain ang kayang bilhin ng báon mo. Na kapag nakain mo na, sa gabi ka na ulit makakakain, pagdating mo na sa bahay.
Maaaring mabagal ang pag-usad, lalo na kung wala ka namang minanang yaman. Ngunit iwasan mong maging malupit sa sarili. Ipagdiwang ang mga napagtagumpayan, gaano man kaliit ang mga ito sa paningin ng iba. Huwag kalilimutang magpasalamat.
Tapos tuloy lang sa pag-abot ng mas matatayog pang adhika.
- Ctto