15/10/2025
π₯Ίπ₯²
Sana po Matulungan si Lolo", Panawagan ng isang Netizen para sa Matandang Kapitbahay na Iniwan ng Pamilya!
Lubhang nakakalungkot isipin na may mga anak at kapamilya na nagagawang pabayaan at iwanan ang kanilang mga magulang o kamag-anak, sa isang kaawa-awang sitwasyon.
Mahirap man maunawaan at intindihin ngunit mayroon talagang mga anak na pinapabayaan na lamang ang kanilang mga magulang, kapag nagkaroon na sila ng sariling pamilya. Ang mga magulang pagtumanda na ay namumuhay na lamang mag-isa at wala ng nag-aaruga.
Tulad na lamang ng isang nakakahabag at nakakalungkot na kwento ng isang netizen na nagngangalang si Jenie A. Omandac, tungkol sa kanilang matandang kapit-bahay na pinabayaan na diumano ng sariling pamilya.
Sa isang Facebook post, kanyang ibinahagi ang larawan ng matanda na nakahandusay na lamang sa lupa at diumano ay pagulong-gulong na lang sa putikan, walang nag-aaruga at walang kumakalinga.
Sa pamamagitan ng kanyang post ay nanawagan si Omandac ng tulong para sa matanda na aniya ay nakatira lamang sa isang pinagtagpi-tagping sako at maliliit na posteng kahoy na parang kulungan ng a*o.
Aniya, kasama ng matanda ang pamangkin na naninirahan doon, ngunit hindi din ito tinatrato ng maayos, at sa halip ay minumura pa ang matanda.
Ibinigay din ng concern na netizen na si Omandac ang lugar ang address kung saan maaaring mapuntahan ang matanda sa sino mang gustong tumulong sa kanya.