09/05/2023
Story time / Testimony:
(read til the end to be encouraged today.)
Niyaya kami nila ate and kuya sa isang furniture shop kasi naka sale. Sabi nila magtingin daw kami dun Since gawa na yung bahay namin at alam nila na naghahanap hanap na din kami ng mabibilhan ng mga gamit na mura lang (though at the moment wala pa talagang budget kailangan pang pagipunan ulit). At dahil nga nakasale gusto ko narin tumingin tingin muna para alam ko magkano ang ibubudget. In short nag meet kami dun on Sunday morning AFTER CHURCH.
Pagdating dun, pili pili. May nagustuhan, pero sabi namin balikan nalang namin (pag may budget na) kasi until May 31 pa naman sale.
Kuya: (tinawag ung sales assistant) kukunin na daw nila to. (Pointing at the sofa)
Me: uy hindi pa kuya, tsaka na yan. Tingin lang muna kami.
Ate: regalo na namin yan sainyo.
Me: jusko umiyak na, niyakap si ate. Di talaga namin to inaasahan. 😭
Ate: Deserve mo yan, kasi napaka generous mo. Time naman para ikaw ang ibless.
Me: lalo ng umiyak. 😭
Yung mga bagay na ginagawa ko for them, for the people around us. masaya ako dun walang hinihintay na kapalit. Masaya kaming nakakapag share maliit man o malaki. Pero yun pala tumatanim na sa kanila.
Grabe ka Lord. Sakto pa sa teaching sa church nung sunday about generosity, sowing and reap. Kaya mas lalo akong naiyak kasi alam ko Lord ikaw yun.
Ate: alam mo bigla nalang, napagusapan ka namin ni kuya mo, yung generosity mo. Etc.
In short, hinipo ni Lord yung heart nila to give this gift to our family.
Tapos sakto pa lahat that day, the songs sa church na pinakanta. Its like God is directly speaking to me.
I'm posting this not to brag, I'm just in awe of God's goodness, love and grace. 😭
Kaya if you are in the situtation na napakabigat, whether in the area of finances, health, relationship, or in any matter. Kung pakiramdam mo na ang bigat bigat na, sobrang daming pagsubok.
Be encouraged today, GOD WILL WORK IT OUT, and ANYTHING IS POSSIBLE WITH HIM.
Also, Continue to do good, wag kang mapagod. it's not always about money. Minsan yung time, yung effort, yung mga simpleng bagay na ginagawa o binibigay mo sa ibang tao. Totoong may balik yan, kasi si Lord ang humihipo sa heart ng bawat isa.
Kaya kung ikaw ang tinatap ni Lord,
Be a blessing to someone today! 🙏🙌🫰