Ang Liwanag

Ang Liwanag Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pasay City National Science High School

Isa sa mga nagsisilbing liwanag sa Ang Liwanag…☀️G**ong nagbibigay gabay, katarungan, at walang sawang pagtitiwala sa ka...
05/10/2025

Isa sa mga nagsisilbing liwanag sa Ang Liwanag…☀️

G**ong nagbibigay gabay, katarungan, at walang sawang pagtitiwala sa kakayahan ng kaniyang pinamumunuang samahan. G**ong hindi lamang nagtuturo, kundi nagbubukas ng isipan at mata sa katotohanan at sining ng pamamahayag.

Kikala niyo na ba siya? 👀

Maligayang Araw ng mga G**o, Gng. Myra Jaime! 💚

Maraming salamat at tinuruan ninyo kami kung paano magsulat nang may paninindigan at malasakit sa kapwa. Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon at tanglaw ng liwanag sa puso ng bawat kabataang mamamahayag. 🥳

Manunudlo ng Bukas✍️ | Ma. Jhoanna Muega🎨 | Leigh Ann PradoKapos ang aking hininga habang binabaybay ang mahabang pasily...
05/10/2025

Manunudlo ng Bukas

✍️ | Ma. Jhoanna Muega
🎨 | Leigh Ann Prado

Kapos ang aking hininga habang binabaybay ang mahabang pasilyo. Kasabay nito ang lagi’t laging pagsulyap sa mga kamay ng orasan. Ilang minuto na akong huli sa klaseng itinuturing ko nang pangalawang tahanan. Sa pagpihit ko ng pinto, naroon ang mga matang tila buwitre kung sa aki’y tumingin. Higit pa sa lahat, naroon ang matang kanina pa ako minumulto, ngunit patuloy akong dinadalaw. Ang mga mata ng aking g**o, nagtataka, at kung minsan pa’y nakakunot ang noo, nag-aasam ng sagot kung bakit ako nahuli. Marahil ay nagtatanong din kayo, paano nga ba humantong sa ganito?

G**o - Isang tao na nagbibigay ng edukasyon para sa mga mag-aaral. Sa Cebuano, ang tawag sa kanila ay “Magtutudlo,” “Manunudlo” sa Hiligaynon, o “Manursuro” para sa mga Ilocano. Napakarami man ng kanilang katawagan, isa lang naman ang kanilang hangad - ang magturo, magbigay-aral, o maghabi sa mga kabataang susunod sa kanilang yapak. Narito ako ngayon, nanatiling nakatayo sa apat na sulok ng silid-aralan, habang ang aking g**o ay naghihintay ng kasagutan. Ngumiti ako kahit napipilitan, at sinabing nahuli lamang ako ng gising. Patuloy akong siniyasat ng g**o, ang akala ko’y oras para sa sermon, pinaupo niya na lamang ako at patuloy na nagturo. Habang siya’y tinatanaw, muli na naman akong namangha sa kanyang pasensya at pang-unawa.

Sa isang marikit na alaala, aking muling natandaan ang hirap na aming napagdaanan, mula sa ensayo upang manalo sa isang katangi-tanging patimpalak. Tumataas ang gilid ng aking bibig kapag natatandaan ang mga turo niya, kahit na sumapit na ang gabi. Kahit na mahirap, patuloy kaming nag-ensayo, natuto, at nagsanay. Ang totoo, nahuli ako sapagkat ako’y naghahanda para sa patimpalak na aming pagtitipunan, kasama ang g**ong nagtuturo sa aking harapan. Hindi man alam ng aking kasamahan, ngunit kita ko ang determinasyon ng G**o, na sa likod ng kanyang nakakatakot na mantra, ay ang pagod ngunit pursigidong magbigay-aral para sa aking mga kapwa mag-aaral. Sa mga araw na kami’y nagsasanay, lagi siyang may dalang libro’t papel, ngunit hindi lamang mga mahahabang konsepto ang kanyang itinuturo, kung hindi pa’ti na rin ang mga kaisipan sa totoong hamon ng buhay. Dito, aking napagtanto na si “G**o” ay hindi dapat natin kinatatakutan, sapagkat handa silang maging kabalikat sa mga oras na kailangan natin ng kanilang gabay.

Siyang tunay, magulang ang unang magtuturo ng mga asal sa kanilang mga supling. Ngunit, ang kasunod nito ay ang mga G**o naman ang magtuturo sa kanilang mag-aaral kung paano matuto at umangkop sa agos ng buhay pagkatapos ng mga araw ng aking pagkabata. Kung kaya’t ang mga “Manunudlo” ay bigyan natin ng pagpupugay dahil hindi lamang sila gabay sa ating mga papel, sila rin ang mga haligi ng tagapagsanay na huhubog sa mga susunod na magdadala ng karangalan ng bansa.

Philippine Red Cross CPR Caravan, inilunsad sa  PaSci✍️ | Zacharie MacalaladGinanap ang Philippine Red Cross (PRC) Pasay...
01/10/2025

Philippine Red Cross CPR Caravan, inilunsad sa PaSci
✍️ | Zacharie Macalalad

Ginanap ang Philippine Red Cross (PRC) Pasay City Chapter Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Caravan sa Pasay City National Science High School, na dinaluhan ng ilang mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan ngayong ika-29 ng Setyembre.

Isinagawa ang caravan alinsunod sa Proklamasyon Blg. 551 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kilala rin bilang “Pambansang Araw ng Cardiopulmonary Resuscitation.”

Nagkaroon ng talakayan si G. Fernando N. Atienza, Chapter Service Representative - Safety Services ng PRC Pasay City Chapter, tungkol sa mga sintomas ng isang taong nakararanas ng heart attack at cardiac arrest, kahalagahan ng CPR, pati na rin ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagsasagawa nito.

Binigyan din ng CPR training ang mga mag-aaral na nakibahagi sa programa, sa gabay nina G. Atienza, G. Lloyd Vincent A. Sumodebila, Chapter Volunteer ng parehong sangay ng PRC, at mga opisyal ng Red Cross Youth (RCY) - PaSci.

Payapang Isipan; Panatag na Kabuhayan✍️ | Vic Molina🎨 | Cassandra FallenaNgayong napaka-bilis ng panahon—’di mo akalain ...
30/09/2025

Payapang Isipan; Panatag na Kabuhayan

✍️ | Vic Molina
🎨 | Cassandra Fallena

Ngayong napaka-bilis ng panahon—’di mo akalain na magpa-Pasko na naman. Nadarama na ang himig ng Pasko dahil ang petsa ay kasalukuyang nasa ‘Ber Months’ na kung tawagin. Nasa paniniwala na ng mga Pilpino na ang Pasko ay purong ngiti at saya ang nadarama—ngunit, lahat nga ba ay ganito ang nararanasan? Sa loob ng maraming taon—ang isyu tungkol dito ay nananatiling tahimik at naghahangad na mabigyan ng sapat na pansin. Isang isyu na magbubukas sa ating isipan sa kung ano ang katotohanan sa likod ng mga ngiti at tagumpay na nasisilayan sa mga mukha. Sa panahon ngayon na umaarangkada ang teknolohiya at maunlad na ang isip ng mga mamamayan ay walang dahilan upang manahimik na lamang—Kailangang mapag-usapan, kailangang mabigyang-solusyon.

Sa PIlipinas, simula nang malagdaan ng dating pangulong Fidel V. Ramos ang Proclamation no. 452 noong 1994 ay nagsimula na rin ang paglaganap ng Mental health Awareness na may layuning magbigay kaalaman at kahalagahan sa lagay o sitwasyon ng mga isipan ng mga indibidwal. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Oktubre at patuloy na isinasagawa mapasahanggang ngayon. Kasabay ng pag-usbong nito ay ang paglitaw ng mga NGO’s o Non-Governmental Organizations na siyang nagpapatupad ng mga seminar, talks, at online campaigns patungkol dito. Ito ay isa sa mga paraan na nakatulong sa mas lalong pagpapalawak ng kaalaman at kahalagahan ng Mental Health. Nang malagdaan ng dating pangulo ang Republic Act No. 11036 – Mental Health Act noong Hunyo 20, 2018 ay mas lalong napagtibay ang pagpapatupad nito. Sa tulong nito ay naituturo na rin sa parehong pampubliko at pribadong paaralan ang layunin at sa kung paano ito makatutulong sa milyon-milyong tao sa mundo. Ito rin ay sumailalim sa malawakang pagpapakalat—mapa- online man o sa paaralan. Ngayon sa kasalukuyan ay patuloy na napapalawak ito dahil sa tulong ng LGU’s at iba pang programa na hawak ng gobyerno. Sa ganitong paraan ay mas mapapabilis ang pagpapalawak ng kaalaman para rito. Ito rin ay tiyak na makaiimpluwensya sa maraming tao pagkat ito ay isang batas na sinusunod ng mga indibidwal.

Sa paglipas ng panahon, kasabay ang pag-unlad ng iba’t ibang makinarya, iba’t ibang teknolohiya—Ngunit, nasaan ang Mental Health? aminin man o hindi, minsan na lang talagang pag-usapan at pag-isipan ang ganitong isyu, lagi na lamang itong nagtatago sa mga anino ng mga napapanahon at mas sikat na isyu. Bilang isang estudyante, isa-isa mang mga boses, ngunit kapag pinagsama ay tila isang makapangyarihang boses na nanghihingi ng pansin at halaga sa mga mamamayan. Ang pagbabago at pagpapahalaga ay nagsisimula hindi sa paaralan, kundi sa atin mismo; Ang pagbabago ay nagsisimula sa atin, patungo sa kapayapaan na ating kakamtin.

Baha Alert! FloodCast ang Sagot: UP Scientists, lumikha ng Flood Forecasting System✍️ | Marc Jared Sario🎨 | Leigh Ann Pr...
28/09/2025

Baha Alert! FloodCast ang Sagot: UP Scientists, lumikha ng Flood Forecasting System
✍️ | Marc Jared Sario
🎨 | Leigh Ann Prado

“Suspended na naman!” sigaw ng ilang mga estudyante kapag bumabagyo, na tila ba masaya dahil walang pasok, ngunit sa kabila nito ay mayroong nagtatagong kaakibat na panganib ang bagyo. Ang malakas na hangin, ulan, at storm surge mula sa bagyo ay nagdudulot ng pinsala at pagbaha at nakaaapekto hindi lang sa kapaligiran ngunit pati na rin sa buhay ng mga tao. Ngunit sa kabila ng mga peligrong ito ay mayroon tayong mga bayani, sila ang mga UP scientists na gumawa ng computer-based tool na kayang hulaan kung aling barangay at ilang tao ang maaapektuhan ng baha, 24 oras bago ito mangyari.

Dahil tag-ulan na naman, talamak ang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, ngunit dito nagpakitang gilas ang ating mga UP scientists katulong ang UP resilience Institute (UPRI) at Project NOAH scientists. Sila ay lumikha ng isang tool na gumagamit ng datos ng ulan at ilog upang tantiyahin ang lalim at lawak ng baha, kinukumpara sa populasyon ng barangay, at nagbibigay ng maagang babala sa mapa at talahanayan.

Sila ay mayroong layuning magbigay ng maagap at tiyak na babala, upang tumulong sa pagkakaroon ng mas maayos na paglilikas at paghahanda, at makabawas ng pinsala sa mga pinaka apektadong lugar. Bago gamitin sa pang malawak na lugar, sinubukan muna ito sa mga binabahang ilog at barangay sa Luzon at Visayas, at nakatakdang palawakin sa buong bansa katuwang ang mga LGU. Nagkaroon ng maayos na resulta ang eksperimento at maaari itong magamit sa mga paparating na bagyo katulad ng bagyong Nando.

Dahil sa bagyo unti-unting lumulubog ang Pilipinas, maraming ari-arian ang nawawasak at isa-isang kinikitil ang buhay ng mga tao. Ngunit dahil sa katalinuhan at inobasyon ng ating mga scientists ay maaaring magsalba hindi lang ng ating buhay ngunit pati na rin ang ating hinaharap na henerasyon.


Sanggunian: https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/942731/up-scientists-develop-impact-based-flood-forecasting-system/story/

TINGNAN: Nagtagumpay ang Dekada na makuha ang unang pwesto sa naganap na Intramurals 2025 awarding noong Setyembre 24 sa...
26/09/2025

TINGNAN: Nagtagumpay ang Dekada na makuha ang unang pwesto sa naganap na Intramurals 2025 awarding noong Setyembre 24 sa 3x3 Men's Basketball. Habang nakuha naman ng Dose at Onse ang ikalawa at ikatlong puwesto.

TINGNAN: Nakamit nina Sarah Magdadaro at Denise Caridad ng ika-10 baitang ang gintong medalya, habang ang medalyang pila...
26/09/2025

TINGNAN: Nakamit nina Sarah Magdadaro at Denise Caridad ng ika-10 baitang ang gintong medalya, habang ang medalyang pilak ay iginawad kina Jayzhelle Cacanindin at Meg Roy ng ika-11 baitang, at ang tansong medalya naman kina Kirsten España at Shan Galura ng ika-12 baitang matapos ang isang kapana-panabik na labanan sa Table Tennis Doubles sa kategorya ng kababaihan.

TINGNAN: Pinarangalan ng gintong medalya si Liam De La Rama ng ika-10 baitang sa kategorya ng kalalakihan sa Table Tenni...
26/09/2025

TINGNAN: Pinarangalan ng gintong medalya si Liam De La Rama ng ika-10 baitang sa kategorya ng kalalakihan sa Table Tennis Singles.

Nasungkit naman ni Reign Bacarro, kapwa mula sa ika-10 baitang, ang medalyang pilak, habang nakamit nina Rafael Villon ng ika-12 baitang at Josh Bosque ng ika-11 baitang ang medalyang tanso.

TINGNAN: Sa katergoya ng kababaihan sa laro ng Table Tennis - Single, iginawad kay Remmy Parcia ng ika-12 baitang ang gi...
26/09/2025

TINGNAN: Sa katergoya ng kababaihan sa laro ng Table Tennis - Single, iginawad kay Remmy Parcia ng ika-12 baitang ang gintong medalya.

Ginawaran naman ng medalyang pilak si Orange Alcaraz ng ika-9 na baitang at natamo nina Stacie Catallo ng ika-12 baitang at Alex Ybera ng ika-9 na baitang ang medalyang tanso.

TINGNAN: Naitangi ng gintong medalya sina Christophe Medina at Reinnier Briones ng ika-11 baitang sa natapos na Men’s Ba...
26/09/2025

TINGNAN: Naitangi ng gintong medalya sina Christophe Medina at Reinnier Briones ng ika-11 baitang sa natapos na Men’s Badminton Doubles ng Intramurals 2025.

Nakuha naman nina Caster Ponce at Emmanuel Nepomuceno ng ika-12 baitang ang medalyang pilak, habang sinundan nina David Flores at Andrie Ceriola ng ika-10 baitang ang medalyang tanso.

TINGNAN: Inuwi nina Beia Rafanan at Bearenz E***a ng ika-12 baitang ang gintong medalya sa Women’s Badminton Doubles ng ...
26/09/2025

TINGNAN: Inuwi nina Beia Rafanan at Bearenz E***a ng ika-12 baitang ang gintong medalya sa Women’s Badminton Doubles ng Intramurals 2025 matapos ang pagpapakita ng kabihasaan.
Sinundan ito nina Jeanine Daliva at Khyrzten Mateo ng ika-10 baitang sa ikalawang puwesto at Samira Celestino at Kyla Santos ng ika-11 baitang sa ikatlong puwesto.

TINGNAN: Ginawaran si Anica Siruno ng ika-12 baitang ng gintong medalya matapos siyang bumida sa larong Women’s Badminto...
26/09/2025

TINGNAN: Ginawaran si Anica Siruno ng ika-12 baitang ng gintong medalya matapos siyang bumida sa larong Women’s Badminton Singles, habang pilak na medalya ang iginawad kay Kate Ashley Flores, na mula rin sa ika-12 baitang, at tansong medalya kay Giovhana Gracia Aladen ng ika-11 baitang.

Address

Pasay City
1709

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Liwanag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share